Kapitbahay ng mga batang inabandona noong pasko, nagsalita na kung nasaan ang kanilang ina - The Daily Sentry


Kapitbahay ng mga batang inabandona noong pasko, nagsalita na kung nasaan ang kanilang ina



Larawan mula kay Mcreynolds Mary-Dhang
Viral sa social media ang post ng isang netizen na si Mcreynolds Mary-Dhang, kung saan ay ibinahagi nito ang nakaka-awa na kalagayan ng apat (4) na magkakapatid na inabandona ng kanilang sariling ina.

Ayon sa kwento ni Mary-Dhang, iniwan ng kanilang ina ang apat na musmos na anak noong ika-24 ng Disyembre.

Dalawang gabi na umanong pumupunta ang apat na magkakapatid sa kanilang bahay dahil wala silang kasama at wala rin umanong ilaw at pagkain sa kanila.


Dahil dito ay napagpasyahan ng pamilya ni Mary-Dhang na iuwi na muna pansamantala ang apat na magkakapatid sa kanilang tahanan.

Kwento pa ni Mary-Dhang, hindi niya mapigilang maiyak ng pinapaliguan at binibihisan nito ang mga musmos.
Larawan mula kay Mcreynolds Mary-Dhang
Larawan mula kay Mcreynolds Mary-Dhang
"Kaya habang nililinisan ko sa banyo Hindi ko mapigilin na Hindi rin mapaiyk sa awa sa mga bata. Tas habang binibihisan ko sabi ng mga bata salamat sa bado(damit) at Tapos nila kain sabi ng Isang bata salamat sa kan-on(Kanin)" ayon sa post ni Mary-Dhang

Palaisipan parin sa lahat kung bakit iniwan at kung nasaan ang ina ng mga musmos na batang ito, kung kaya naman sa isang comment section ng post ay mayroon naglakas loob na magsalita kung nasaan ang kanilang ina.

Ayon sa netizen na nag-ngangalang Marivic Pardeno, kapitbahay daw umano niya ang nanay ng mga bata at sinabing sumama sa ibang lalaki ang ina ng mga bata.

"Hindi po yan mudos sir, sadyang malndi lang po yang nanay sumama sa iba kapitbahay ko po yan." ayon kay Marivic
Larawan mula kay Mcreynolds Mary-Dhang
Basahin ang buong post ni Mary-Dhang sa ibaba:

"Kawawa naman tong mga bata na to iniwan ng ina nila nong 24 ng gabi. Dalawang gabi na pumupunta sa bahay kasi wala daw sila kasama sa bahay nila walang ilaw walang pagkain.

"Nong Isang gabi sinundo ni mama sa daan kc nagsisipag iyakan habang sumisigaw ng tulong Kaya inuwi ni mama sa bahay mga basa at naliligo ng putik.
Larawan mula kay Mcreynolds Mary-Dhang
"Kaya habang nililinisan ko sa banyo Hindi ko mapigilin na Hindi rin mapaiyak sa subrang awa sa mga bata. Tas habang binibihisan ko sabi ng mga bata salamat sa bado(damit) at Tapos nila kain sabi ng Isang bata salamat sa kan-on(Kanin)

"Tas ngaun gabi na nman akala namin kong sino ang nasa pintuan na naka tayo Silang apat na nman wala na nman daw sila kasama sa bahay nila at Hindi pa daw cla na kakain

"Tinanong ko ang isa bakit wlang damit ang sagot wla na daw sya damit.

"Kong sino man ang nakakilala sa nanay nila na si RAIZA RAFAL pakisabi naman maawa naman sya sa mga anak nya na iniwanan nya.


"Sana matulongan ang mga bata na ito kasi subrang kawawa talaga Napa ka bata pa nito

"Isang 1 years old and 2 months

"Isang 3 years old

"Isang 4 years old at Isang 5 years old.

****