Nakakatouch! Prank ng magkapatid na babae sa kanilang tatay inantig ang puso ng mga netizens - The Daily Sentry


Nakakatouch! Prank ng magkapatid na babae sa kanilang tatay inantig ang puso ng mga netizens



Talagang nag-viral sa social media noong nakaraang Pasko ang video na in-upload ng netizen na si Monica Villanueva kung saan sinurpresa nila ng isang regalo ang kanyang ama.

Sa uploaded video ni Monica, makikitang nagagalit ang kanyang ama dahil maraming kalat sa kanilang bahay. Sinadya raw umano nina Monica at ng kanyang kapatid na galitin ang kanilang ama upang masermonan sila at tsaka nila ibibigay ang regalong sapatos.

Successful naman ang plano ng magkapatid dahil nagalit nga ang kanilang ama. Kaya ibinigay na nila ang kanilang surpresa.

Ayon sa caption ng post ni Monica, hindi raw nila inakala ang naging reaksyon ng kanilang ama nang matanggap ang bigay nilang regalo.

Napaiyak sa tuwa ang kanilang ama at pati ang magkapatid ay napaiyak narin.


Sa ngayon ay umabot na sa 2.3 million views at 39k shares na ang post ni Monica.

Narito ang buong post ni Monica:

"HINDI KO INEXPECT NA MAGIGING GANITO YUNG REAKSYON NI PAPA,SOBRANG SIMPLE LANG NETO PERO IBA YUNG NAGING SAYA MO. PINAIYAK MOPA KAME😭

hayaan mo pa,sa ngayon dahil ikaw at si mama palang ang bumubuhay samen. hindi pa mamahalin at original na sapatos yan,pero pag nakapagtapos na kame pangako babawi kame sayo.

Hindi ko kinakahiya na jeepney driver ka at ofw si mama, at lagi mo muna kameng inuuna kesa sa sarili mo.

Kayo yung buhay namen. ❤️

Merry christmas papa sorry at kailangan kapa naming galitin hahaha🤣mahal na mahal ka namen.❤️

Panoorin ang video sa ibaba:



Narito ang iba’t-ibang reaksyon ng mga netizens:






***
Source: Monica Villanueva | Facebook