Doktor, galit nang masagi at magasgasan ang braso sa loob ng pampasaherong bus: Gusto ko demandahan, Doktor ako! - The Daily Sentry


Doktor, galit nang masagi at magasgasan ang braso sa loob ng pampasaherong bus: Gusto ko demandahan, Doktor ako!



Larawan kuha mula sa post ni Gwen Quizon

Natural na at parte na ng halos lahat ng mga commuters ng mga pampasaherong pampublikong sasakyan mapa sa jeep, tren o kahit sa bus man ang  init, siksikan, gitgitan at di maiwasang magkatulakan at magkasakitan habang nasa gitna ng byahe.

Ang lahat ng ito ay subok na at nakasayanan narin ng nakararami, na sa halip na magreklamo ay ibayong pang-uunawa at pag-intindi ang pinaiiral.

Ngunit sa sitwasyon na pinost ng isang commuter na si Gwen Quizon sa kanyang social media account, tungkol sa kaniyang nasaksihan at nakuhanang video ng pag-aaway ng isang pamilya laban sa isang nagpapakilalang doktor habang sa nasa byahe sa loob ng isang pampasaherong bus.


Ikinuwento ni Gwen na nasa bandang unahang pwesto nakaupo ang doktor nang paakyat naman sa loob ng bus ang isang pamilya. Dito ay nasagi at nagasgasan daw ng batang babae ang doktor habang dumaan ito papuwesto sa bandang likuran ng bus.

Larawan kuha mula sa post ni Gwen Quizon

"Pagpasok ng batang babae na may bag sa harapan nya nagasgasan nya yung doktor daw na nakasalamin at nakasumbrero. Sa bandang likuran ng bus umupo yung pamilya," saad niya kaniyang post.

Sa sobrang galit ng doktor sa naging gasgas sa kanya, ay nagsisigaw ito na idedemanda niya ang nakagasgas sa kanya at papaluin niya daw ito ng bote.

"Kinumpronta nya yung bata na nakagasgas sakanya. Sumisigaw sya at sinabihan nya yung batang babae na idedemanda nya. Humingi ng pasensya yung pamilya dahil hindi naman sinasadya ng bata pero ayaw nya tanggapin,"

Iginigiit at paulit-ulit din umano ng nagasgasang pasahero habang kinokompronta ang pamilya na siya ay isang "Doktor" at pagpipilit niyang magkakademandahan nalang.

"Sabi nya "gusto ko demandahan, doktor ako!" Paulit ulit nya sinabing doktor sya. Hinawakan sya ni nanay at humihingi ng pasensya. Sagot nya "hwag mo kong hawakan, baka may germs ka," saad ng isang nagpapakilalang doktor.

Larawan kuha mula sa post ni Gwen Quizon

Patuloy naman ang paghingi ng pamilya sa pasensiya at patawad sa doktor ngunit ayaw parin daw nito makipag-ayos, sa halip ay kinukutya pa ng doktor ang pamilya at sinabihang sana'y nag Grab nalang para di makakaabala pa ng ibang pasahero.


Makikita sa ibinahaging video ni Gwen ang isang Nanay na kasama sa pamilyang kinukutya ng isang doktor na di nakapagpigil sa kanyang emosyon at sinabihang napakayabang ng doktor kahit pa sa pauli-ulit nilang paghingi ng pasensiya sa nangyari ay nagmamatigas padin.

Pati ang mga ibang pasahero ng bus, dahil sa abalang hatid ng sitwasyon ay kinondena din ang naging asal at pakikitungo ng doktor doon sa isang pamilya.

Narito ang buong kwento ni Gwen Quizon: 

"DOKTOR NA NAGASGASAN NG BATA SA BUS, MAGDEDEMANDA DAW"


Larawan kuha mula sa post ni Gwen Quizon
Sa unahan banda ng bus nakaupo ang doktor. May sumakay na isang pamilya. Pagpasok ng batang babae na may bag sa harapan nya nagasgasan nya yung doktor daw na nakasalamin at nakasumbrero. Sa bandang likuran ng bus umupo yung pamilya.

Si kuyang doktor kinausap ang kundoktor, sinisigaw nya na idedemanda nya daw yung nakagasgas sakanya, papaluin nya daw ng bote. 

Tumayo sya at dumiretso sa bandang likuran. Kinumpronta nya yung bata na nakagasgas sakanya. Sumisigaw sya at sinabihan nya yung batang babae na idedemanda nya. Humingi ng pasensya yung pamilya dahil hindi naman sinasadya ng bata pero ayaw nya tanggapin. 


Sabi nya "gusto ko demandahan, doktor ako!" Paulit ulit nya sinabing doktor sya. Hinawakan sya ni nanay at humihingi ng pasensya. Sagot nya "hwag mo kong hawakan, baka may germs ka".

Patuloy pa rin humingi ng pasensya ang pamilya pero ang sagot ng doktor "sana nag grab nalang kayo pra di kayo nakakaabala"
Sabi ng doktor magbarangayan nalang daw sila. Kinukuha nya mga ID ng pamilya para dahil magdedemanda daw sya. Bumaba na daw sila para mademanda nya yung pamilya.

Sa patuloy na pangungutya ng doktor sakanila, isa sa pamilya ang sumagot at hindi na nakapagtimpi "sige bumaba na tayo, magbarangayan na tayo, hindi kami natatakot sayo". 

Tumayo na ang pamilya, nagkasigawan na sila ng doktor, yung batang babae umiiyak na rin dahil sa takot, sa murang edad madedemanda pa, dahil sa hindi sinasadyang nagasgasan nya ang braso ng doktor. 

Pati ibang pasahero nakisali na rin, pinapababa na yung doktor. Pero ayaw ng doktor, bakit daw sya bababa. Eh nung una sya naman ang may gustong bumaba at magbarangayan. 

Hanggang sa nakababa na yung pamilya at napilitan na rin bumaba yung doktor dahil nagagalit na rin ang ibang pasahero dahil sa inasta ng doktor.

Di namin navideohan yung unang nangyari. Huli na nung naisipan naming videohan pero sana makatulong itong video kung matuloy man ang demandahan nila.

Pakishare nalang po para makarating sa pamilya. Salamat po.

Around Commonwealth po ito nangyare, 9:30pm, January 2, 2020.



***

Source: Gwen Quizon

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you