Retired Colonel, nag-amok at nanutok umano ng baril matapos di lang makadaan agad sa isang parking lot - The Daily Sentry


Retired Colonel, nag-amok at nanutok umano ng baril matapos di lang makadaan agad sa isang parking lot



Larawan kuha mula sa post ni Johnny Antonio

"Sana ay matangalan ng Lisensya ang mga ganitong tao na kumukuha ng tapang sa kanilang posisyon at baril, dahil marami pa silang gagawan ng ganitong bagay na maliliit na tao,"

Ito ang naging saad ng isang matapang na netizen na nagpost ng kanyang karanasan sa pananakot umano ng isang Retired Colonel matapos hindi lang makadaan ang sasakyan nito sa isang parking lot.

Ikinuwento ni Johnny Antonio na naabala lang saglit ang pagdaan ng sasakyan ng kinikilalang si Ret. Col Andres dahil sa may sasakyan ring palabas sa unahan ng sasakyang kanyang minamaneho, at dahil dito humantong ito panunutok ng baril laban sa kanya.


At nang nakapagpark na siya, hinarang di umano ng nasabing retiradong opisyal ang sasakyan nito sa harap ng kanyang sasakyan, at kung saan di niya inakala ang mga masasamang salita at pagtutok nito ng baril sa kanya.

Larawan kuha mula sa post ni Johnny Antonio

"At nang kukunan ko na sya ng video agad nitang ibinalik sa bag nya ang baril, at wala ring nagawa ang mga Security Guard ng Pure Gold at di manlang nila Inaresto ang matandang may baril," saad ni Johnny.

"Agad ako pumunta sa pinaka malapit na Police Station upang mahuli ang matanda at agad naman siyang nahuli ng mga Police," dagdag niya.

Ikinagulat din niya ang naging askyon ng isang Officer In Charge ng mga gwardya ng PureGold na inutusan pa siyang makipag-areglo nalang.

Pati ang isang gwardya na umawat sa sitwasyon ay minamanipula din daw ng kanyang OIC na sabihing wala itong nakitang bumunot ng baril si Andres, at maski ang CCTV footage ay hindi rin daw nila ipinakita.


"Sana ay matangalan ng Lisensya ang mga ganitong tao na kumukuha ng tapang sa kanilang posisyon at baril, dahil marami pa silang gagawan ng ganitong bagay na maliliit na tao,"

Larawan kuha mula sa post ni Johnny Antonio

Narito ang kaniyang buong post:

Dispiras ng Bagong taon isang matandang Ret. Col. Po ang nanutok sa akin ng Baril sa Parking lot ng Pure Gold Nort Commonwealth dahil lang hindi sila makadaan agad dahil may lumalabas sa Parking lot sa aking harap ng aking minamanehong sasakyan, 

at nang naka park nako ako ay i inabangan pa ng kanilang sasakyan at pag tapat ko sa kanilang sasakyan ako pa ay pinagsalitaan ng mag ama ng masasamang salita at binaba pa ako ng matanda at hinamon kung ano ang gusto ko mangyari sabay bunot ng Baril at tutok sa akin na diko akalain, 

at nang kukunan ko na sya ng video agad nitang ibinalik sa bag nya ang baril, at wala ring nagawa ang mga Security Guard ng Pure Gold at di manlang nila Inaresto ang matandang may baril, 


Larawan kuha mula sa post ni Johnny Antonio

agad ako pumunta sa pinaka malapit na Police Station upang mahuli ang matanda at agad naman siyang nahuli ng mga Police,

subalit ang OIC ng mga guard sa Pure Gold ay inutusan pa ako na maki pag Areglo sa matanda at kilala daw nya yung matanda at ito raw ay isang Ret. Col. Andres 

at pati ang Guard na umawat sa matanda ay inuutusan ng kanyang OIC na sabihing wala itong nakitang pagbunot ng baril at panunutok at dirin sila nag pakita ng kanilang CCTV ng pureGold. 



Sana ay matangalan ng Lisensya ang mga ganitong tao na kumukuha ng tapang sa kanilang posisyon at baril, dahil marami pa silang gagawan ng ganitong bagay na maliliit na tao, 

sa lahat naman po ng mga nakakita sa pang yayari tulungan po ninyo ako na mabigyan natin ng leksyon ang taong ito upang dina makapang abuso pa ng ibang maliliit na tao na tulad ko. 

Kailangan ko po ng mga taong tetisgo upang mapag tibay ko ang Demandang inihain ko po sa matanda, sana po ay matulungan nyo po ako, at wag po tayong matakot tumistigo para po mabigyan natin ng hustisya ang mga taong inaapi at binubuli ng mga taong ito at dina pamarisan ng iba. salamat po.


 


***

Source: Johnny Antonio

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!