Taxi driver, nag-viral matapos tinahi ang nawarak na pantalon ng kaniyang pasaherong babaeng guro - The Daily Sentry


Taxi driver, nag-viral matapos tinahi ang nawarak na pantalon ng kaniyang pasaherong babaeng guro



Larawan kuha mula sa post ni Novie Joy Balete Venteroso

Viral ngayon sa social media ang isang post tungkol sa kwentong ibinahagi ng isang netizen na abot langit ang pasasalamat sa isang Taxi Driver sa Iloilo, na tinulungan siyang tahiin ang kaniyang napunit na kasuotan.

Ikinuwento ni Novie Joy Balete Venteroso, ang akala niya'y pinakamalas na araw niya habang siya ay nasa byahe papunta sa lugar na pagaganapan ng kanilang Oath Taking ceremony para sa lahat ng mga nakapasang guro.

Habang nakasakay na sa isang taxi, napansin niya na may malaking punit sa kaniyang sinusuot na pantalon at pag-aalala niya dahil habang siya'y gumagalaw palaki ng palaki rin ang punit nito.


Dito niya na sinabi ang problema sa drayber ng sinasakyang taxi at nakisuyo na baka meron itong alam na patahian ng mga damit, pero wala ring alam ang drayber.

Suhestiyon nalang ng ni manong driver na dumaan sila sa isang tiyange upang dito bumili ng gamit panahi. At dahil nga sira ang sout nitong pantalon, si manong driver ang bumaba ng taxi upang bumili ng sinulid at karayom.

Larawan kuha mula sa post ni Novie Joy Balete Venteroso

Aminado naman si Novie na dahil sa pagpapanic niya, nangangatog ang mga kamay nito, problema niya kung papano tahiin ang napunit na pantalon.

Agad naman na alok sa kaniya ng drayber na siya na raw ang bahala sa pagtatahi. Kaya inihinto ni manong drayber ang minamanehong taxi sa isang tabi at binigay nito ang kaniyang sout na damit kay Novie para may pang takip ito habang tinatahi ang sout niyang pantalon.

"Ako na bahala Maam, alam ko pano magtahi,"

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Novie sa kabaitang pinakita sa kanya ng driver na magaling at maganda raw ang pagkakatahi sa napunit niyang panatalon.

"Thank you soooooo much Manong Driver sang Light of Glory Taxi Services!!! For sure God will bless you a thousand folds," saad niya.


Pagsasalaysay rin niyang akala niya ay napakamalas niya na dahil sa nangyari pero sa dahil daw sa malasakit na pinakita ni Manong driver sa kanya ay napakaswerte padin niya.

Larawan kuha mula sa post ni Novie Joy Balete Venteroso

Saad ni Novie na isa si manong driver sa mga alagad ng panginoon upang tulungan ang mga taong tulad niyang nangangailangan ng tulong. Naniniwala din siyang sa kahit ano man ang pagsubok at problema na dumating ay laging may sagot at paraan ang panginoon.

Umani ng nag-uumapaw na mga papuri at pagpapasalamat ang naturang Taxi driver mula sa mga netizen dahil sa kanyang angking kabaitan.

***

Source: Novie Joy Balete Venteroso

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!