Diskarteng Pinoy! PAL Flight Attendant, Nagtitinda Muna ng Pares habang wala pang Regular Flights - The Daily Sentry


Diskarteng Pinoy! PAL Flight Attendant, Nagtitinda Muna ng Pares habang wala pang Regular Flights



PAL Flight Attendant Michael Jacob Castigador Pornel with actress Heart Evangelista  | Photo credit to his Facebook account
Sadya nga namang nakakabilib ang ibat-ibang diskarte ng mga Pilipino ngayong panahon ng krisis.

Nang magsimula ang pandemic na Coronavirus o Covid19, marami ang nawalan ng hanap-buhay at isa sa mga pinaka naapektuhang trabaho ay ang nasa 'airline industry'.

At ngayon ngang suspendido at wala munang regular flights ang mga Airlines, marami sa mga empleyado nila ang wala munang hanap-buhay ngayon.





Isa sa mga naapektuhan ay ang 
Philippine Airline flight steward na si Michael Jacob Castigador Pornel. Ngunit nawalan man ng regular na trabaho dulot ng pandemic ay hindi ito naging hadlang sa kanya upang patuloy na umunlad at abutin pa din ang mga pangarap para sa sarili at pamilya.


Michael Jacob Castigador Pornel | Photo credit to his Facebook account

Pornel Selling Pares | Photo credit to his Facebook account
Sa kanyang Facebook account, buong pagmamalaking ibinahagi ni Michael ang kanyang kasalukuyang pinagkakaabalahan at pinagkakakitaan sa ngayon, habang wala pa siyang regular flights.

Pansamantalang pinasok ni Michael at ng kanyang asawa ang food business at sa kasalukuyan ay nagtitinda si Michael ng Pares sa kanilang lugar.

Buong pagmamalaki ding ibinahagi ng asawa niyang si Mikko Hidalgo Pornel na hanga sya sa diskarte at sipag ng mister, “We need extra source of income since flights are limited.”, ani Mikko.


Ayon naman kay Michael, "Ano man ang narating o estado mo sa buhay. Basta malinis ang hangarin at nasa tama, wag mong ikakahiya ang ginagawa mo para umunlad." 





Pornel Selling Pares | Photo credit to his Facebook account
Pornel Selling Pares | Photo credit to his Facebook account
Dagdag niya, "Diskarte at sakripisyo mo ang bubuhay sayo at sa Pamilya mo. Hindi opinyon ng iba."

Narito ang kanyang Facebook post na sadyang nag-viral at umani ng paghanga mula sa mga netizens.





"Ano man ang narating o estado mo sa buhay. Basta malinis ang hangarin at nasa tama, wag mong ikakahiya ang ginagawa mo para umunlad. Diskarte at sakripisyo mo ang bubuhay sayo at sa Pamilya mo. Hindi opinyon ng iba. Salamat sa biyaya ng Diyos! Salamat sa idea ng Misis kong si Mikko.

Sold out sa isang oras! #PareskayomgaSirs #Covidkalangmadiskartekami #ParesGump

PS: Sa mga gusto pong mag pagawa ng Cart, contact nyo po team ni June Aquinde, Erico Germano and Vergel Recaido. Quality po sila gumawa. Trusted and mabilis."



Michael Jacob Castigador Pornel | Photo credit to his Facebook account






Source: Michael Jacob Castigador Pornel