Netizen, nagulantang nang malaman kung saan napunta ang mga inutang sa kanya ng ate nya - The Daily Sentry


Netizen, nagulantang nang malaman kung saan napunta ang mga inutang sa kanya ng ate nya




Laking gulat ng isang netizen matapos nyang malaman kung saan napunta ang mga perang inutang sa kanya ng ate nya.

Kalakip ang aral na mapupulot mula sa kwento ng mag-ate, nag-viral sa social media ang palitan ng text messages ng dalawa dahil sa kanilang nakakaantig istorya.


Marami ang natuwa sa panganay na babae dahil sa hindi inaasahang ginawa nito upang matulungan ang sariling kapatid na noon ay umalis ng probinsya para magtrabaho.

Sa mga screenshot ng mensahe nila sa isa't-isa, mapapansin ang madalas na pangungutang ng panganay sa bunso.

Noong una ay pinalagpas lamang ng nakababatang kapatid ang panghihiram ng kanyang ateng guro ngunit kalaunan ay unti-unti na itong nainis sa tila nakasanayan nang gawain ng nasabing kapamilya.

Lingid sa kaalaman ng bunso, may matindi palang pinaglalaanan ang ate nya ng mga naturang kaperahan at nagpanggap lamang itong nangutang sya sa kanya dulot ng mahigpit na pangangailangan.

Nang ipagtapat ng ate sa bunso ang katotohanan, halos hindi makapaniwala ang inutangang kapatid na sa bawat singkong kunwari ay hiniram sa kanya, ay mismong kapakanan pala nya ang inaalala ng panganay na hindi naman talaga gipit sa pera.

Hindi inakala ng bunsong kapatid na lahat pala ng perang hiniram nito sa kanya ay inipon lang ng kanyang ate para mismo sa kanya upang may magamit syang panggastos sa panahon ng kagipitan.

Basahin ang kanilang mga naging usapan:












Source: Ang Buhay Pinoy