Single dad na delivery rider, bitbit ang anak habang nagta-trabaho - The Daily Sentry


Single dad na delivery rider, bitbit ang anak habang nagta-trabaho




Inulan ng papuri ang isang lalaki na mag-isang tumataguyod sa kanyang anak.

Nag-viral sa social media ang isang single dad matapos kumalat ang larawan nito kasama ang kanyang maliit na anak habang nagta-trabaho.

Ayon sa isang ulat, dalawa ang trabaho ng huwarang ama.

Mula 8:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon, nag-tatrabaho umano ito bilang isang construction worker. Samantalang mula 6:00 hanggang 10:00 naman ng gabi ay nag-tatrabaho sya bilang food delivery rider o taga-hatid ng mga pagkain ng mga customer na nag-oorder online.

Kinakailangan nya umanong isama ang kanyang anak sa trabaho sapagkat wala syang ibang inaasahang magbabantay dito.

Base sa larawan, makikitang nakakatulog na ang bata sa motorsiklo.

Sa ulat mula sa Rachfeed, ang lalaki na kinilala sa pangalang Lin ay 24-anyos at nagmula sa Taiwan. 

Bunsod ng umiiral na community quarantine ay lalo pang pumatok ang online delivery.