Anak Proud sa kanyang Ina na Nagtapos ng Senior High School: "ROAD TO COLLEGE NA SI MAMA!" - The Daily Sentry


Anak Proud sa kanyang Ina na Nagtapos ng Senior High School: "ROAD TO COLLEGE NA SI MAMA!"



Elena Dacuran Agualada with daughter Ryzi Rae | Photo credit to their Facebook accounts
Sadya nga namang nakakabilib ang mga magulang na pagkatapos ng ilang taong natigil sa pag-aaral dahil sa pag-aaruga sa pamilya ay muling bumalik sa eskwela at tapusin ang naiwang pag-aaral noon.

Ika nga, hindi pa huli ang lahat at walang edad na pinipili ang edukasyon at ito ay para sa lahat, bata man o matanda.


Tulad na lamang ng kwento ng isang 44 anyos na ina mula sa Santo Rosa Laguna na si Elena Dacuran Agualada na nakatapos ng Senior High School ngayong taon sa St. Ignatius Technical Institute of Business and Arts sa ilalim ng Home Economics Strand.

Elena Dacuran Agualada Graduation Pic | Photo credit to her Facebook account


Elena Dacuran Agualada with daughter Ryzi Rae | Photo credit to their Facebook accounts
Plano din niya diumano na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sa Polytechnic University of the Philippines, Santa Rosa Campus sa kolehiyo upang ituloy ang pangarap niyang maging guro. 

Dahil dito, sobrang proud na ibinahagi sa social media ng kanyang anak na si Ryzi Rae ang naganap na pagtatapos sa high school ng kanyang ina, na sadya namang nakapukaw ng atensyon at umani ng papuri mula sa mga netizens.

Ibinahagi nya din ang graduation photo ng kanyang ina, pati ng ilang mga larawan na magkasama sila.

Ayon kay Ryzi, road to college na ang kanyang mama at palabirong sinabi na sana lahat ay matalino katulad nito. Ipinangako niya din sa ina na susuportahan nila ito hanggang makatapos ng kolehiyo at maabot ang pangarap na maging isang guro.

"Road na sa college si mama♡sana ol matalino ,ma hanggang makapag tapos ka susuportahan ka namin malapit ka Ng makapag tapos then baka maging teacher ka na sipag talaga hanep.

Labyu mama Kaya Yan sa susunod ako Naman ganyan . CONGRATULATIONS",
ani Ryzi.


Screenshot of Ryzi Rae's post | Credit to her Facebook account

Samantala ibinahagi din ni Elena sa sariling Facebook post ang kanyang pagtatapos sa Senior High School at nag-iwan ng isang nakaka-inspire na paalala na lahat ay kayang abutin basta pagsisikapan ito sa tulong at suporta ng mga mahal sa buhay.

Elena Dacuran Agualada Graduation Pic | Photo credit to her Facebook account

"This is it, i finish the one goal, and the nxt is the hard time to achieve but i prove that i can reach for that , and all the support through my family coz there are my strength so" I CAN MOVE THAT WAY". -Elena Dacuran Agualada


Screenshot of Elena Dacuran Agualada | Credit to her Facebook account