Bilyonaryang transwoman na rumored GF ni Clint Bondad, may bwelta sa bashers at matinding rebelasyon - The Daily Sentry


Bilyonaryang transwoman na rumored GF ni Clint Bondad, may bwelta sa bashers at matinding rebelasyon





Photo courtesy of  Instagram @annejkn.official

Binasag na sa wakas nang sinasabing karelasyon ngayon ng dating boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad, na syang laman ngayon ng social media dahil sa mga ma-controversial na pasabog laban sa dating nobya.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng Thai transwoman billionaire na si Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip, ang kanyang mga saloobin tungkol sa issue.*


"There is no TEA to spill over!!! Stop this nonsense drama, everyone!! I'm tired." Pahayag ni Anne sa kanyang IG post.

Kanya na ring nilinaw na malapit na magkaibigan lang sila ng Filipino-German na si clint Bondad, at ito nga ay naninirahan sa kanya sa makalipas na siyam na buwan na.

Si Anne ay isang CEO ng JKN Global Media Public Company Limited sa Thailand, at isang global content provider at channel operator ng iba't ibang TV series at movies ito.

Distributor din si Anne sa Thailand ng ilang mga teleserye mula sa ABS-CBN gaya ng Ang Probinsyano, La Luna Sangre, Till I Met You, Got To Believe, The Legal Wife, at Bridges of Love at Carmela, Beautiful Strangers, and My Faithful Husband ay mula sa GMA-7.

Nagbitaw kahapon, July 19 ng matitinding salita si Anne at sinabing sawa na siya sa pagkakaroon ng "psychopath" at "German sausage" sa kanyang buhay na maaaring tinutukoy ay si Clint.

Photo courtesy of  Instagram @annejkn.official


Kasunod ng post na ito ang mga palaban na bantang: "I will clean up your DIRTY SECRET now!!!!"

Agad na nagreact s apahayag na ito ni Anne ang mga netizens na nakaabang sa mga posts patungkol kay Clint.


Viral din ang mga intriguing Instagram Stories si Anne gaya ng mga posts ng sinasabing kasintahan, kung saan sinasabi niyang punung-puno na siya sa "bulsh*t" ng taong tinawag niyang "Mr. C."

Dadag pa ni Anne sa kanyang IG posts, "The Stupid EGO of a man will always destroy his life... it's true." na may nakalagay ng sad emoji.

"You can play the Universe but I'm the Queen of Galaxy... I'm too strong and won't be defeated!!

"Do the right thing now!" ani ng bilyonaryang Thai trans.

Nitong Lunes, July 20, deretsahang pinangalanan ni Anne si Clint bilang taong tinutukoy niya sa intriguing Instagram posts nito. *

Photo courtesy of  Instagram @annejkn.official


Para kay Anne, hindi na dapat pag-ukulan ng pansin ng mga tao ang maintrigang posts ng dating Kapuso actor sa social media dahil hindi totoong may ibubulgar itong impormasyong ikagugulat ng netizens.

"THERE IS NO CODE. Grow up people!!! Don't get played," babala ni Anne sa mga netizens, at buong tapang na nakipagsagutan ito sa netizens sa comments section ng kanyang IG posts.

Nais nang tapusin ni Anne ang mga kabalbalan ni Clint, at prangkahang tiukoy ni Anne ang mga misteryosong clues ni Clint na pilit binibigyan ng interpretasyon ng netizens.


Dahil dito, ilang araw nag-trend si Clint sa Twitter dahil may inilunsad itong countdown, kasabay ng pahaging na may ilalabas itong pasabog sa Instagram.

Ngunit sa kabila ng paghihintay at pagpupuyat dahil sa kakaabang ng sinasabing pasabog ni Bondad, wala naming napala ang netizens na naghintay matapos ang countdown, na ang deadline ay 1 A.M. noong Biyernes, July 17. *

Photo courtesy of  Instagram @annejkn.official


Sa kabila nito nagpatuloy pa rin si Clint sa pag-post ng Instagram Stories, pero walang alinman sa posts ang nagbigay-linaw sa gusto niyang iparating sa publiko.

Hindi maiwasang madawit sa isyu si Miss Universe 2018 Catriona Gray, na higit anim na taong nakarelasyon ni Clint bago sila naghiwalay noong December 2018.

Nadamay din sa isyu ang sinasabing current boyfriend ni Catriona na isang ABS-CBN talent na si Sam Milby, dahil sa madalas kasi ang pasaring ni Clint sa mga pangalang "Sam" at "Cat" sa kanyang cryptic Instagram Stories.

At nito pang July 13 ay nagpost din si Clint na nagpadala siya ng direct message kay Sam sa Instagram dahil gusto raw niya itong makausap. nNgunit hindi naman nilinaw ni Clint kung personal ba o business ang sadya niya kay Sam.

Inulan din ng batikos si Anne mula sa mga netizens dahil sa umano'y pakikisawsaw niya sa isyu. Ai ng isang netizen ay gusto lamang daw sumilkat ni Anne at magpadagdag ng followers.


Kinalaunan ay inihayag na ni Anne na nasa poder niya si Clint, at siyam na buwan na nga raw itong nakatira sa kanyang bahay.

Ngunit muling iginiit ni Anne na bilang isang batang kapatid lang ang turing nya sa Fil-German actor. *

Punong-puno na sya at hindi raw niya kukunsintihin ang panloloko umano ni Clint sa mga netizens, na nadadala sa cryptic posts ng dating Kapuso actor.

"no need to talk about me as he would not dare to anyway.” "It's not about me.” Depensa ni Anne sa banat ng netizen.

"It's about his life with me in my house and I can't stand for it when there is the misuse of media conducted by the person who you honor to be your brother." Anito.

May mga nagtanong din kung bakit idinaan ni Anne sa social media ang pagkastigo kay Clint sa halip na kausapin ito nang pribado.

Paliwanag ni Anne, gusto lang niyang bigyan ng leksyon ang tinuturing nyang baby brother.

"Sometimes you need to confront some issue in front of public.”

"Someone who doesn't have remorse, he/she then needs the humiliation to create fear of doing it again." *

Photo courtesy of  Instagram @annejkn.official


Nabahiran ng malisya ang pakikialam ni Anne dahil sa paggamit nito ng mga salitang "German sausage" sa naunang posts niya tungkol kay Clint na ayon sa isang netizen ay may sexual connotation ito.


Sinupalpal ito ni Anne at sinabing, "The word sausage is not important. I just want to illustrate that the Good Quality man will use his brain leading life not his d*ck!!!"

Naniniwala raw si Anne na may pag-asa pang magbago si Clint, at maging mismong pamilya raw ni Anne ay kapamilya rin ang turing sa binata, lalo pa't hanggang ngayon ay nakatira ito sa kanya.

"We would like him to be successful in life. He's a smart and nice gentleman," ani Anne.


Samantala may isang netizen naman ang nagsabing "too immature" si Clint base sa mga patutsada nito sa social media.

Bagaman kahit naiinis si Anne sa naging kabalbalan ni Clint, ipinagtanggol nito ang hunky model-actor bilang isang kapatid. *

Photo courtesy of  Instagram @annejkn.official


Dagdag pa ni Anne, "but everyone can grow up well and it's the job of a good sister like me to step into before the situation gets worse and affects too many other people."

Hindi naman lahat ng netizen ay bumabatikos sa mga posts ni Anne, ang iba ay sumasang-ayon din sa kanya sa pagpapagitna ni Anne sa isyu, at sana raw ay makumbinsi ni Anne si Clint na tigilan na ang pagpapakalat ng paintrigang posts, sabi ng isang netizen.

Sagot ni Anne, "he's a good man who needs to be trained. Having the right mindset is definitely the issue."

Sa kabilang banda, may mga hindi naniniwalang kapatid lang ang turing ni Anne kay Clint. Bagkus naniniwala ang kanyang mga bashers na malamang daw ay sinusustentuhan nya si Clint, at may sekswal na namamagitan sa kanilang dalawa.


Hindi naman nagpakabog si Anne sa mga batikos na pera lang ang habol sa kanya ni Clint. "no nothing like that. Thank you... he has his own bed and nothing about sex. You are nice anyway," sarkastikong sagot ni Anne.

Dagdag pa ni Anne, "you should apply for the job as the script writer but the bulsh*t one. It would suit the quality of your mindset." *

Photo courtesy of  Instagram @annejkn.official


Sinagot din ni Anne ang isa pang basher sa isyung hinuthutan siya ng milyones ni Clint. Sinagot naman ni Anne na may kasamang laughing emojis, "he got one cent from me."

Pinasinungalingan din ni Anne ang usap-usapang ginagamit ni Clint ang katawan at pisikal na hitsura nito para perahan ang isang rich benefactor na gaya nya.

"Nothing like you think. He's a good man but having the problem on the issue of respecting other people. That's all.

"You say as if he's a hooker!!! No please respect!!!"  sagot ni Anne.

Hindi rin pinalusot ni Anne ang isang basher na kinukumusta sa kanya ang private organ ni Clint, "please respect him too!!! Thank you. I can't believe you used the word D**k???'!!!"

Nilinaw din nito kung may "secret relationship" sina Anne at Clint at ang kontrobersyal sa Kissing video ng dalawa. Pinanindigan nito na wala silang relasyon ni Clint liban sa pagiging malapit na magkaibigan.

"no secret relationship. We are brother sister since day one and I'm a she not he. Please respect," giit ni Anne.

Paliwang din ni Anne na hindi dahil magkasama sila ni Clint sa isang bahay ay may namamagitan na sa kanila. "If someone doesn't do something right under my house, I would not tolerate for sure!" *


"Would you? Be mature. Not everything is about lust and sex. It's all about what is right for other human beings!!'"

Kung totoong wala silang relasyon, kinuwestiyon naman ng netizens ang kumakalat daw na video ng halikan nila Clint at Anne. "French kiss is normal for greeting my dear. Nothing else!!!" prankang sagot nito.

October 2019 nang unang mapabalita na magkaibigan sina Clint at Anne. At mula noon ay napalibutan na ng espekulasyon ang mga litrato nilang kuha sa Thailand.

Ngunit noon pa man ay nilinaw na ni Anne na "forever brother sister" lang sila ni Clint.

Sa iba pang pakikipagsagutan ni Anne sa netizens, umalma siya sa akusasyong gusto lang niyang magpapansin sa social media. Daig pa raw ni Anne ang "ex-girlfriend" sa pakikialam nito sa personal life ni Clint. *

Photo courtesy of  Instagram @annejkn.official


Sagot dito ni Anne, baka raw kinaiinggitan lang siya dahil malapit na magkaibigan sila ni Clint.

Sinagot ito ni Anne at sinabing, "hello!!! Why are you irritated? You are cheap female monkey who are hungry for drama."

"You are obviously jealous of his Thai sister who is giving him house to stay for 9 months now."

"If you don't know me, go google before barking around here!!! I'm doing good for everyone as I can't stand for it."

"Everyone who reads the news knows me except you; which means that you don't know to read."

"I'm the CEO of the public company, the Thai billionaire who he stays with until now and also his biz mentor who can't stand on the misuse of media power."

"You have to tell yourself 'Stop acting as if you know everything' and you should go back to learn on how to read." *

Photo courtesy of  Instagram @annejkn.official

"Education is very important for you."

"so sad that you were born in this world when we already have so much junk and then you are adding another junk which is yourself!!!" Buwelta rin si Anne sa alegasyong gusto niya lang angkinin si Clint.

"OMG, Not enough rubbish bin.... since you called him yours.... please call him to pick you up and put into the right trash." 


Sinabi rin ng isang netizen na magkasabwat sina Clint at Anne sa paandar nilang Instagram Stories. At kanya itong dinepensahan, "Di nyo pa ba gets? Paandar lang nila to. Their gaining followers. Look how this trans IG stories. Story teller din, pa bitin. Need more followers pa daw. Haha."

Hindi rin nito pinalampas ang pang-iinsulto sa kanya at ang issue na nakikisawsaw lang ito upang magparami ng followers sa IG. *

Photo courtesy of  Instagram @annejkn.official


Sabi niya sa netizen: "you are little fake with small mindset. How dare you call people 'this trans'??!!!! I'm sad for your mother who didn't feed you with proper milk."

"I don't want more followers as I already have 8 million on my Facebook and I'm already super rich and famous in Thailand.”

"I don't want you as my follower either. My IG place is too good for you. Go away!!' You are dirty!! I'm sick of you!!!" matapang na sagot ng bilyonarya. 


Sa bandang huli, ay nag-post si Anne ng litrato nila ni Clint kung saan pinapakita ang clean-shaven look ni Clint, na throwback photo.

Sa written caption nito, sinabi ni Anne na mabuting tao si Clint at sana'y manumbalik ang pagiging gentleman ng tinuturing nyang kapatid.

At ang sumunod na litrato si Anne kasama si Clint kunsaan mahaba ang balbas ng binata, tulad ng latest pictures na isini-share nito sa Instagram.

Binigyang diin ni Anne sa kanyang posts na, "I love my brother Clint and my family supports him in every way but what is right must be right!!!"

 
Photo courtesy of  Instagram @annejkn.official