"Tanging sa iyo mahal ko" Mga lumang Liham ni Lola Cita, patok at bumihag sa mga puso ng Netizens - The Daily Sentry


"Tanging sa iyo mahal ko" Mga lumang Liham ni Lola Cita, patok at bumihag sa mga puso ng Netizens



Add caption
Larawan nina Lola Cita at ni Lolo Ben 

'Til de@th do us part!

Ito ang pinatunayan sa nag-viral ngayon sa social media, ang kwento ng isang 84-taong gulang na Lola dahil sa nakakamanghang kwento ng pag-ibig nila ng kanyang yumaong asawa.

Naging biyuda man si Lola Cita, tila nanariwa padin sa kanya ang mga panahong kasama pa niya ang kanyang pinakamamahal na asawa na si Lolo Ben dahil sa mga iniingatan nitong mga lumang liham para sa kanya.

Patok din sa mga netizens ang ibinahaging mga larawan ng mga nakakakilig nilang palitan ng mga liham noong taong 1963 pa, at magpahanggang ngayon ay buhay na buhay pa kay Lola Cita.

Narito ang puno ng pagmamahal na mga Liham:


Larawan mula sa Brigada



7/23/63 "Tanging sa iyo mahal ko, 

Sa mga sandaling ito, ikaw ay panauhin sa aking isipan. Kahit na ano man ang gawain ko, hindi kita nakalilimutan. Sa labis na pagmamahal ko sa iyo at ang sagot mo sa akin na ako at ako lamang, ako'y isa na sa mga pinakamaligaya na nilalang sa buong daigdig." . .

Para sa akin wala ng iba pang dilag maliban sa iyo, nalulungkot ako kung wala akong mapaparating na balita sa iyo.

Cita, mahal ko, gusto ko sanang ikaw ay mabigyan ng kaunting kaligayahan ng aking makakaya. 

Ikaw na ang magbigay ng araw na gusto mong lakad natin. Manood at mamasyal kaya. 

Aasahan kita sa lahat ng araw.

Hanggang dito na lamang at ako'y umaasa s iyong pagbibigay, hindi mo ako bibiguin. 

Laging nagmamahal sa iyo, 
Ben


Larawan mula sa Brigada


Larawan mula sa Brigada




Mahal ko, 

Huwag na muna tayo ngayon, tila masama ang panahon, kaya ipagpaliban, muna natin kaya. Isa pag may lakad uli ang boos kaya hindi ako pwedeng umalis. 

Umaasa akong ako'y iyong maunawaan. Kung dito na lamang tayo manood, hindi ba pwede? 

Pero hindi ngayon. dahil napanood mo na lahat kaya sa ibang araw na. Sa Martes kaya.

Kung ikaw ay may lakad na iba tumuloy ka na doon. 

P.S. 
Nagmamadali ako kaya wala ng ayos nito,

Ako'y iyong-iyo,
Ben




Larawan mula sa Brigada



Cita,

Matagal na tayong hindi nagkita kaya nais kung makita  kita  at makausap. Mamata manood tayo sa Elena. Hanapin na lamang 

kita sa dati natin upoan, Asahan kita at hwag mo sana akong bibiguin. Kinasasabikan kitang makita at makaulayaw

Ibig na ibig kong makapunta riyan ngunit sinabi mong hwag na muna akong pupunta riyan. Kaya sa sine na lamang tayo magkita at mag usap.

Hanggang dito na lamang at inaasahan kita. 

Tanging sayo,
Ben


Naabutan at naranasan niyo ba ang ganitong palitan ng Love Letter noon?

***

Source:  GMA Public Affairs

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!