Mariel Padilla, nakipagpalit ng trabaho sa kanyang kasambahay sa kanyang 'Switch lives challenge' - The Daily Sentry


Mariel Padilla, nakipagpalit ng trabaho sa kanyang kasambahay sa kanyang 'Switch lives challenge'



Screencap photos from Youtube @Mariel Padilla


Kakaibang saya ang dulot sa tuwing nakikita natin ang mga sikat na artista kung paano sila mamuhay sa harap at likod ng camera.

May iba namang nagsasabi na ang ibang artista at personalidad sa ating lipunan ay may iba't-ibang role na ginagampanan ang isang buhay artista sa bawat karakter na kanilang ginagampanan, malayo sa kanilang tunay na pagkatao. *


Ngunit ang mga artista ay may kani-kaniya sariling buhay sa likod ng camera, malayo sa mga roles na kanilang ginagampanan sa mundo ng showbiz.

Madalas nating napapanood sa mga televisions shows o kaya naman sa kanilang mga pelikula, pero ngayon, hindi lang sila makikita sa mainstream media kundi maging sa social media na gaya ng Facebook, Youtube at iba pang platform ng media.

Subalit dahil sa krisis na ating dinadanas ngayon dulot ng pandemyang corona virus, ipinagutos ng Pangulong Duterte ang enhanced community quaranting o ecq upang maiwasan ang pagkalat nito. Dahil dito, kanya-kanyang hanap ng diskarte ang iba nating mga kababayan na mapagkakakitaan.

Kabilang na ang mga artista na nahinto sa pagtra-trabaho. Kaya naman ang karamihan sa kanila ay bumaling na lamang sa pagvla-vlogs gaya ng ibang mga sikat na artista tulad nina alex Gonzaga, Meagan Young at marami pang iba.*

Screencap photos from Youtube @Mariel Padilla


Sa papamagitan ng kanilang vlogs, patuloy silang nakakapagbigay aliw sa kanilang mga fans, ang iba pa ay pinapakita ang kanilang pamumuhay bilang simpleng mamayan din gaya ng karamihan.


Kasama na rito ang isa sa mga sikat ng artista at TV host na si Mariel Padilla. Mayroon ding Youtube channel si Mariel, at sa kasalukuyan ay mayroon na itong 681K subscribers.

Kamakailan may nagviral na video si Mariel, kung saan ay sumubok itong makipagpalit ng trabaho sa kanyang kasambahay na si Ate Erna, na kanyang kasa-kasama na sa bahay sa loob ng siyam na taon na.

Ang vlog nyang ito na may caption na "WHO IS THE BEST ACTRESS?" (MARIEL O ATE ERNA CHALLENGE), #The Switch kung saan makikita kung paano gampanan ni Mariel ang role ng kanyang kasamang si Ate Erna habang si Ate Erna naman ay nag-eenjoy gampanan ang kanyang role bilang si Mariel.*


Screencap photos from Youtube @Mariel Padilla


Mapapanood sa vlog na ito si Mariel na naghuhugas ng pinggan, naghahain ng pagkain sa kanyang bagong among si Ate Ernaat kumakain kasama ang iba pang kasambahay sa kanilang tahanan samantalang si Ate Erna naman ay nag-eenjoy ang buhay reyna habang pinagsisilbihan ni Mariel. Si Robin Padilla naman ang nagsilbing cameraman ng vlog na ito. 

Bandang huli ay nagbigay ng pahayag sina Ate Erna at Mariel Padilla tungkol sa kanilang experince sa switch lives challenge na kanilang ginawa.*

Screencap photos from Youtube @Mariel Padilla


Maraming natutunan si Mariel tungkol sa trabaho ng kanyang kasambahay at di ito gawang biro, gayun din naman sa panig ni ate erna na kanyang napagtanto na bagaman masarap ang buhay ng kanyang mga amo, ay hindi naman din ito biro at mas malaking responsibilidad ang kanilang kinakaharap.


Maraming netizen ang nagbigay ng mga nakakatuwang komento sa vlog na ito. Umaabot na sa 200K views ang nasabing video.