Netizen na saksi, kinuwento ang detalye ng kinasangkutang aksidente ni Daniel Padilla gamit ang sports car nito - The Daily Sentry


Netizen na saksi, kinuwento ang detalye ng kinasangkutang aksidente ni Daniel Padilla gamit ang sports car nito



Photos courtesy of Facebook @Jessica De Vera Tamayo
 


Viral ang isang video kung saan nasangkot ang Kapamilya star na si Daniel Padilla sa isang aksidente sa kalsada nitong Miyerkules ng hapon. Nagviral ang video hindi dahil sa anumang pangit na dahil kundi dahil sa kahanga-hanga na ginawa ng aktor.


Nakakatuwang malaman na imbes magalit sa drayber na nakabangga sa kanya ay tinulungan pa nito ang lalaki. *

Photo courtesy of Philkotse



Ayon sa ulat ng ABS CBN, naganap ang insidente sa Fairview, Quezon City, base sa mga kuhang video na na-upload sa social media nina Jessica De Vera Tamayo at Reynaldo Duron.


Makikita sa nasabing video na nakipapag usap si Daniel sa isang drayber at ang posisyon ng mga sasakyan ay nagpapahiwatig na ang tricycle ay tumama sa likuran ng bumper ng sports car ng aktor.


"Si Daniel na nabunggo siya ay nagbigay pa rin para sa manong," Ayon sa caption ng isang saksi na si Tamayo. "Bait talaga.”


"Sobrang pain ni Daniel Padilla. Siya ay nabangga, siya pa ang nagbabayad sa tricycle. " ayon naman kay Duron na isa rin sa nakasaksi sa kabaitan ng aktor


Lumalabas na tila wala namang nasaktan sa pangyayari.


Bagaman wala pang pormal na pahayag si Daniel tungkol sa insidente, tiniyak naman ng kanyang ina na si Karla Estrada sa mga fans na maayos ang lagay ng aktor. *


Photos courtesy of Facebook @Jessica De Vera Tamayo



Ayon pa kay Karla, ang minor-scratch lang naman ang tinamo ng sasakyan ni Daniel matapos ang pagkakasagi sa kanya ng drayber.


"Guys, okay si DJ," ayon sa tweet ng ina ng aktor makalipas ang ilan oras “Kaunting gasgas lang sa sasakyan. At siyempre, everybody happy! No problem! Tuloy ang buhay!”


Marami naman ang kinilig sa mga fans ng aktor nang mapanood ang nasabing video sa social media.


Ayon pa sa pagbabahagi ni Duron, nagpapadala siya sa isang express delivery center ng mga ukay-ukay na damit na order sa kanya nang maganap ang insidente.


"May narinig kaming sportscar na biglang huminto. Ewan ko kung anong nangyari, biglang nag-break si Daniel.

"After two seconds, may bumanggang tricycle sa sasakyan niya," ayon sa netizen


"May mga gasgas po ang sportscar ni Daniel may crack na paint. *


Photos courtesy of Facebook @Jessica De Vera Tamayo



"Hindi ko na po napansin kung tinted ang sasakyan niya, nakababa na po ang window niya nang makita ko." Dagdag pa ni Duron sa isang panayam


"Bumaba siya, hindi naman siya nagalit, pero siyempre may halong emosyon.


"Nagulat siya siguro, pero nag-usap po sila nang maayos ng tricycle driver, saka nakipag-cooperate silang dalawa."


"Sa tingin ko po, yung tricycle driver ang may kasalanan. Siya ang nasa likod, siya ang bumangga. Sobrang lapit niya." Ayon pa sa saksi


Dahil nakasuot ng mask ay hindi raw nakilala ng ilang motorista ang aktor.


"Yung mga dumaraang sasakyan, hindi naman nila alam na si Daniel Padilla, kasi naka-mask siya, cap, at saka shades.


"Pero kapag nasa malapitan ka, doon mo lang malalaman na si Daniel siya." Ayon pa kay Duron


“Yung guts ko, parang si Daniel, kasi alam ko siya ang may ganoong sportscar.


"Nang lapitan ko siya, narinig ko ang boses niya... 'A, si Daniel nga!' Na-shock na rin ako." Dagdag pa ng witness.


Napag-alaman na nag-abot si Daniel ng isang libo sa drayber na nakasagi sa kanyang sasakyan. *

 

 

Photos courtesy of Facebook @Jessica De Vera Tamayo