'Faithful' na sundalo, binigyan ng leksyon ang isang babaeng gustong maging kabit nya - The Daily Sentry


'Faithful' na sundalo, binigyan ng leksyon ang isang babaeng gustong maging kabit nya



 


HINDI LAHAT NG LALAKE PARE-PAREHO. Ito ang malinaw na pinatunayan ng isang militar sa babaeng nag-chat sa kanya at inalok ang sarili sa sundalo upang gawin syang kabit.


Sa Facebook page ng Hugot Sundalo, makikita ang screenshots ng usapan ng sundalo at hindi pinangalanang netizen na willing umanong maging kabit ng naturang lalake.


Giit ng babae sa sundalo, 'deserve' umano nyang gawin syang kabit dahil sa gwapo nito.


Sagot naman ng lalake sa kanya, 'sa ganda mo ring yan, deserve mo ng faithful na sundalo'.


Hindi naman agad natinag ang sibilyan sa sinabi ng lalake kung kaya muli nyang kinulit ito at tahasang inalok ang sarili sa natitipuhang militar.


"Deserve moko maging kabet sir" saad ng tila desperadang babae.



Ngunit nanatiling marespeto ang lalake at hindi sinamantala ang kahinaan ng nagkakagusto sa kanya.


Sa puntong iyon ay natauhan din ang babae at hindi na muling ipinilit pa ang sarili sa sundalo.


Sa caption naman ng naturang post, mababasa ang paliwanag ng lalake kung bakit ganito ang naging reaksyon nya sa mga sinabi ng babae.


Faithful po kasi talaga ako....
Pasensya po... Ayaw kong magkaroon ng rason yong babaeng mahal ko para iwan nya ako.

To ma'am peace po.. 😁😁
Maganda ka po sa maganda.. Marami ka pang makikilala na pwedeng mag seryoso sayo... 😘😘😘

#faithfulsoldier
#hugotsundalo
#blitz


Photo from Hugot Sundalo's Facebook page
Photo from Hugot Sundalo's Facebook page