Mensahe ng ama ni Lloyd Cadena: "Anak patawad, hindi na kita nakita." - The Daily Sentry


Mensahe ng ama ni Lloyd Cadena: "Anak patawad, hindi na kita nakita."



Si Lloyd Cadena at ang kanyang ama at ina


Bumuhos ang luha ng ama ng namayapang si Llyod Cadena na si Jun Cadena matapos malaman ang nangyari sa anak. 


Si Mr Jun Cadena ay nagtatrabaho bilang machine operator sa Middle East kaya malayo siya sa pamilya nang mamaalam si Lloyd.



Sa isang Youtube vlog ni Mr. Jun Cadena, kitang kita ang pagdadalamhati sa nangyari sa kanyang anak na si Lloyd. Aniya, ang pagkamatay ni Lloyd ang pinakamalungkot na araw sa kanyang buhay.


“Ang hirap tanggapin ng isang ama na mawalan ka ng anak. Sobrang hirap,” sabi niya. “Ginapang namin sila ng kanilang ina mula pa sila sa hirap. Kahit paano nakakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Di bale kaming magulang na hindi kumakain para lang sa mga anak. Ako sanay na ako sa walang kain-kain, makita ko lang mga anak ko na hindi nagugutom.”


Imahe mula sa News5



“Parang nawalan ako ng lakas nung sinabi ng anak ko sa Dubai, ‘Papa wala na si Lloyd.’ Nagulat ako na hindi ko maintindihan. Maybe two to three minutes or more, tulala ako," reaksyon niya nung una niyang malaman ang balita.


imahe mula sa ABS-CBN News



Nakiusap din siya sa mga tao na huwag ng usisain ang dahilan ng pagkawala ni Lloyd. “Mga kabayan, huwag na kayo magtanong kung anong dahilan ng pagkamatay ni Lloyd. Manood na lang kayo ng YouTube, balita, mga news. Igalang niyo na lang yung privacy ng pamilya,” sabi niya.


“Lloyd kung nasaan ka man ngayon, nawa’y masaya ka na… Nawa’y gabayan mo kami ng iyong mama at mga kapatid na makayanan namin ang mga pagsubok sa buhay. Nawa’y maka-move on kami,” pagtatapos ni Mr. Jun Cadena.