Netizens, lubos na humanga kay Ivana Alawi dahil sa ginawa nito para kay Lloyd Cadena - The Daily Sentry


Netizens, lubos na humanga kay Ivana Alawi dahil sa ginawa nito para kay Lloyd Cadena




Magkahalong lungkot at saya ang naging reaksyon ng mga netizen matapos gawin ng aktres na si Ivana Alawi ang isang bagay para sa yumaong vlogger na si Lloyd Cadena a.k.a. Kween LC.



Kasunod ng pagpanaw ni Cadena ay ang pagdagsa sa social media ng pagdadalamhati ng mga taong napasaya at na-inspire ng sikat na YouTuber. Kabilang na dito ang actress vlogger na si Ivana Alawi.


Pagbabahagi ni Ivana sa kanyang Facebook post, hinamon raw sya ni Cadena sa last vlog nito na mag-carwash silang dalawa ng isang bus. 




Subalit dahil sa hindi inaasahang pagkawala ng naturang content creator ay hindi na naisakatuparan ang hiling nito kay Ivana.


Gayunpaman, tinuloy pa rin ng Kapamilya actress ang hamon ni Kween LC sa kanya at ginawa iyon kahit mag-isa lamang sya. 



Ayon kay Ivana, ang proceeds ng ginawa nyang vlog sa request ng yumaong YouTuber ay mapupunta sa naiwang pamilya ni Cadena bilang pakikiramay nya sa mga ito.


Narito ang Facebook post:



Hinamon ako ni Kween Lloyd Cafe Cadena sa kanyang last vlog na inupload niya sa kaniyang channel. Ang request nya, magcarwash kami ng Bus together.


Nakakalungkot man at hindi natin magagawa ng magkasama ito at wala ka dito sa tabi ko, itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka diyan sa heaven at masisiyahan ka dito.


Para kay Lloyd itong video at lahat ng kikitain nitong video ay ibibigay natin sa kanyang naiwang pamilya para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko.


Hindi pa kita namemeet personally or nakacollab. Pero alam ko meron kang napakabait na puso, Marami kang natulungan, napsaya, nainspire.


Kween LC isa ka sa pinaka original na youtuber na mahal namin and you will never be forgotten.


REST IN PARADISE ❤️šŸ™


*PINASARA AT WALANG IBANG TAO ANG NASA AREA NA ITO KAYA NAKAPAG TANGGAL AKO NG MASK*


Lubos namang humanga ang mga netizen sa ginawa nyang ito.


Narito ang ilan sa kanilang mga komento: