Mga naipangakong tulong ni Tulfo kay Michelle, binawi lahat - The Daily Sentry


Mga naipangakong tulong ni Tulfo kay Michelle, binawi lahat





Sinunog mo ang sarili mo!

Ito ang mariing sinabi ni Raffy Tulfo kay Michelle matapos itong umatras sa pagsusuri gamit ang hair follicle na syang tutukoy kung ang isang tao ay gumagamit pa nga ba ng bawal na gamot.

May kakayahan ang naturang test na ma-detect kung gumamit ang isang tao sa loob ng 90-days bago isagawa ang pagsusuri.

TWIST OF FATE

Malayo sa inaasahan ng ilan, bumaliktad ang kapalaran ni Michelle Lhor Bana-ag sa mismong programa na Raffy Tulfo in Action.


Matatandaang humakot ng simpatya ang kinakasama ng komedyanteng si Tekla noong ipina-Tulfo ni Michelle ang nasabing live-in partner.

Ngunit hindi nagtagal ay lumabas ang tunay na kulay ng nagrereklamong babae. 

WALANG ISANG SALITA

Binali ni Michelle ang kanyang ginawang hamon para patunayang malinis sya at hindi na umano gumagamit pa. 

Dahil isang araw lang matapos syang maghamon na sumailalim sa pagsusuri, nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi na umano sya papayag na gawin ito dahil baka mabinat sya kapag ginalaw ang kanyang buhok, ayon sa kanyang tita.

Ilang buwan pa lang daw kasi ang nakakalipas mula nang manganak ito. Pero hindi kumbinsido dito si Tulfo.



PERA NA, NAGING BATO PA

Nang ihayag ng babae ang kahina-hinalang rason nito, hindi nagdalawang-isip si Tulfo na bawiin ang mga naipangakong tulong kay Michelle.

Pustiso, renta ng bahay, at groceries sana ang mga nakatakdang ibigay nya dito. 

"Wala, sinunog mo sarili mo sa'kin. Hamon ka kasi ng hamon! Talaga kasing hindi matigil 'yung apog mo. Now, nagisa ka sa sarili mong mantika." sambit ng program host.

"So Michelle, ni singkong duling, wala akong ibibigay na tulong sayo." dagdag pa nya.



Panuorin: