Raffy Tulfo dismayado kay Michelle matapos tumanggi sa test, dineklarang tutulungan si Super Tekla para sa kustodiya ng anak - The Daily Sentry


Raffy Tulfo dismayado kay Michelle matapos tumanggi sa test, dineklarang tutulungan si Super Tekla para sa kustodiya ng anak



Larawan mula sa YouTube at Bandera



 "Nagisa ka sa sarili mong mantika. So, Michelle, ni singkong duling, wala akong ibibigay na tulong sa 'yo" ito ang mga katagang binitiwan ni broadcaster na si Raffy Tulfo kay Michelle, ang live in partner ni Tekla.


Ayon pa kay Tulfo, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makuha ni Super Tekla, o Romeo Librada sa totoong buhay ang kanyang anak mula sa dating live-in partner.


Idineklara ni Tulfo nitong Martes lang na hindi na niya tutulungan si Michelle dahil siya ay naniniwala na na gumagamit pa rin ng ipinagbabawal ang babae.


Sa episode ng Tulfo in Action nitong Martes ay todo hagulhol si Michelle nang sabihin ng host na ilalapit niya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makuha ni Super Tekla ang kustodiya ni Baby Angelo, kasama na ang mga pamangkin nito.


"At yung mga bata, mga pamangkin mo, partida ‘to, ipatatanggal ko sa kustodiya mo.


"Tatawagan ko yung DSWD para i-assess. Eventually, matatanggal ‘yan sa 'yo,"  ayon kay Tulfo


“Yung sa anak mo, ipatatanggal ko rin dahil gagawa ng assessment ang DSWD, lilitaw na gumagamit ka pa rin, at ‘yan ay ibibigay kay Tekla."


 “No! No! Kahit umiyak ka ng dugo, wala na akong pakialam kasi huling-huli ka na. Hindi mo na ako madadala sa iyakan.


"Yun lang ang naging susi. Nabuksan yung mga itinatago mong kalokohan. Pandora’s box, ika nga.



"Wala na. Wala na. Kita mo ‘yan? Kasi, hamon ka nang hamon. Pinatulan ko yung hamon mo, hamon pa more!


"Ngayon, pati anak mo, mawawala sa 'yo dahil ipapa-transfer ko ‘yan kay Tekla.


"Sapagkat nakikita ko, mukhang hindi ka karapat-dapat mag-alaga ng bata sapagkat gumagamit ka pa rin.*


“Why? Dahil takot kang magpa-drug test! Meaning, you’re still using," Litanya ng broadcaster na halatang galit na kay Michelle 


Nang tangkain naman ng kapatid ni Michelle na magpaliwanag, tumanggi si Tulfo at sinabing: 


"No, ayokong makausap yung mataba mong kapatid. Wala siyang pakialam dito.


"Pati yung kapatid mo, mamaya ipapatokhang ko pa ‘yang kapatid mo. Siguro lahat kayo diyan, magkakapatid, sama-sama naggu-good time!"


Matatandaan na naunang naghamon si Michelle ng drug-test upang mapatunayan na siya ay di na gumagamit ng bawal na gamt.



Tumanggi si Michelle sa test at sinabing pinayuhan umano siya ng tiyahin na huwag ipaggalaw ang buhok dahil apat na buwan pa lang ang lumilipas simula nang siya ay manganak.



Larawan mula sa YouTube


"Very clear na sa akin, this is now an indication to me na meron ka talagang itinatago.


"You’re lying, kasi alam mo, kapag sa urine, kaya mong iwasan.


"Dito kasi [sa buhok], after 90 Days, malalaman kung gumagamit ka pa o hindi." ani Tulfo