Cristy Fermin muling binanatan si Kris Aquino: Salamat kay Lord 'di kita naging anak. Ang pera mo can't buy happiness - The Daily Sentry


Cristy Fermin muling binanatan si Kris Aquino: Salamat kay Lord 'di kita naging anak. Ang pera mo can't buy happiness





Lalo pang uminit ang hidwaan nina Cristry Fermin, isang kilalang showbiz journalist at ng aktres na si Kris Aquino na kinasasangkutan din ni Manay Lolit Solis at Mr. Fu. 

Nag-ugat ang kontrobesiyang ito sa naging Instagram post ni Lolit Solis na minasama daw ni Cristy Fermin ang di-umanoy pagtanggi ni Kris na makasama si Mr. Fu sa isa sanang planong TV program.

Matatandaang naglabas ng kanyang saloobin si Fermin laban kay Kris hingil sa isyu at sinabing 'power trip' umano si Kris kaya naman ilang network narin ang hindi siya tinanggap. Hingil dito, mas pipiliin nalang niyang magdildil ng asin wag lang niyang makasama pa si Kris sa trabaho. 


Dahil sa isyung ito, isang pasabog na naman ang isiniwalat ni Fermin tungkol kay Kris na naging daan sa pagkaungkat pa ng mga dating isyu na kinasasangkutan ng dating tinaguriang Queen of all Media kung saan sinalo niya ang ipinahinging tulong ni Kris sa kanya mula kay Dindo Balares. 

"Si Dindo Balares po ay isang emesaryo ni Kris Aquino kapag siya ay nalalagay sa kontrobesiya at matinding isyu. Nung tawaging bakla ni Jay Sonza si Bimby, noong siya ay upakan ni Mocha, at yung kay Kuya Epe kay Philip Salvador," pahayag ni Fermin sa programang Cristy Ferminute ng Radyo Singko. 

"Pati 'yung tungkol kay Nicko Falcis at kay Jess, meron ding text si Dindo na, "Nanay, ikaw na raw ang bahala, puro ikaw na raw ang bahala, parang ganun," dagdag niya. 

"Hindi siya makaderekta sa akin, dahil alam niya na kapag tama siya may dala akong armas, pero kapag siya ay mali hindi ko kakagatin ang panghihingi niya ng tulong," 

Ayon pa kay Fermin, hugas kamay ang aktres tungkol sa tunay na dahilan ng pagkaudlot ng kanila sanang pagsasamahang proyekto.

"Naghugas kamay eh, hindi daw siya ang dahilan kung bakit hindi natuloy yung aming proyekto....Ikaw ang dahilan Kris dahil sa pangmamaliit niya kay Mr. Fu," 

"Hindi niya ako sinaktan ng personal pero sinaktan niya ang taong mahal ko na si Mr. Fu at hindi ko yun pwedeng palampasin dahil alam ko na may kapasidad si Mr. Fu na maidedeliver doon sa programa na dapat hahawakan namin na kasama siya,"


Labis na nasaktan si Fermin sa di-umanoy naging maling aksyon ni Kris laban kay Mr. Fu. 

"Kung itinatakwil mo ako bilang nanay-nanayan mo, salamat kay Lord 'di kita naging anak, dahil mawawasak ang pagiging nanay ko kung naging anak kita sa tigas ng ulo mo," saad ni Fermin.

"Nakakatulog ako nang mahimbing dahil alam ko ang totoo. Maligaya ako sa buhay ko na wala akong karelasyon at kasama ko lang ang mga anak ko at apo ko, ikaw, ang pera mo cannot buy happiness,' dagdag niya.

***

Source:  News 5

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!