Photos courtesy of WordPress and DisneyUK |
Walang tutulad pa din sa
init ng pagsasalo-salo ng mga Pilipino pagdating sa pagdidiwang ng kapanganakan
ng panginoong Hesu Kristo. Mula pa noon, hindi pa rin nawawala ang mga tradisyon
na ating nakaugalian.
Sa katunayan, isa ito sa mga
hinahangaan sa atin ng buong mundo pagdating sa pagdadaos ng Pasko. At kahit
may krisis pa sa Pandemya, hindi ito mabubura sa puso nating mga Pilipino.
Hindi matatawaran ang saya ng kapaskuhan dito sa ating bansa. Aba’y pagka pasok pa lamang ng tinatawag na "Ber
months" ay excited na tayong mga Pinoy.
Nariyan ang nagka countdown
na tayo ng 100 days bago magpasko, namimili na ng mga Christmas décor sa Divisoria,
at syempre lagi nating nasa isip ang mga ireregalo sa mga mahal sa buhay,
kaibigan at mga inaanak.
Kaya naman, gumawa ang sikat
na American film production studio na gumagawa ng mga animation films at iba
pang malalaking broadcast media ng kanilang Christmas advertisement na
pinamagatang “From our family to yours”, Disney Christmas Advert 2020 ng Disney Channel UK, na hango sa Pasko ng mga
Pinoy.
Pinapakita sa nasabing short animated film ng Disney ang mga magagandang kaugalian ng mga Pinoy sa tuwing dadating ang kapaskuhan. *
Screencap photos from Youtube @DisneyUK |
Nariyan ang pag gawa natin ng mga parol, pagbibigayan, pagmamahal
sa pamilya at lalo na ang pagbibigay ng halaga sa ating mga nakatatanda.
Sa nasabing video,
pinapakita ang tradisyon ng mga Pinoy kung saan ay nagmamano ang isang bata sa kanyang
amang paparating kapalit ang bigay na regalo mula sa kanyang ama, paggawa ng
mga parol at ang pagsasalo-salo ng mag-anak tuwing sasapit ang bisperas ng Pasko.
Pinatunayan ito ng isang
British blogger na si Malcolm Conlan, na may pusong Pinoy at halos tatlong
dekada ng naninirahan dito sa Pilipinas kapiling ang kanyang may bahay na isa
ring Pinay.
Nagpahayag ng pasasalamat si
Malcolm sa pamamagitan ng isang open letter para sa Disney na kanya itong
ibinahagi sa kanyang social media account.
Sa kanyang open letter, nais
ipahatid ni Malcolm ang kanyang taos pusong pasasalamat sa nasabing Film
production giant dahil sa paggawa nito ng kanilang Christmas advertisement na
hango sa tema ng mga tradisyon ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng pasko. *
Screencap photo from Youtube @DisneyUK |
Narito ang kabuuan ng open
letter ng British Pinoy at heart na si Malcolm Conlan sa kanayng social media:
“An #OpenLetter to Disney
Dear Disney,
On behalf of the millions of Filipinos across the globe and
also the 11 million Overseas Filipinos Workers, I would just like to say thanks
so much for this incredible gesture from you guys.
You didn’t need to do this, you didn’t need to feature Filipinos or the Filipino Christmas celebration in your short animated film, yet you did so. It made me cry.
It
brought back precious memories of being home at Christmas, making my own Parol
with my children and the importance of family.
On behalf of millions, Maraming Salamat! Thank you for embracing
the Philippines and her people!
Best regards,
Malcolm Conlan” *
Screencap photos from Youtube @DisneyUK |
Base sa nasabing short animated film ng Disney’s umiikot ang kwento ng isang batang babae noong 1940, kung saan ay sumalubong ito sa paparating na ama at agad itong nagmano. Kapalit naman ng pagmano ay ang regalong Mickey Mouse na manika para sa kanyang anak.
Makalipas ang ilang dekada, taong 2005, ang dating bata noon ay isa ng lola ngayon na naninirahan na sa ibang bansa kapiling naman ang kanyang apo. Binigay ng lolang ito ang kanyang Mickey Mouse na manika sa mahal na apo.
Ngunit makalipas ang mga panahon, naging busy na ang apo sa kanyang trabaho, at nawawalan na ito ng panahon sa kanyang lola.
Kaya naman isang gabi, napansin nito na wala ang kanyang lola sa sala at nakita nya ang mga lumang litrato nito noong bata pa at kayakap ang mismong Mickey Mouse na binigay sa kanya ng kanyang pinakamamahal na lola. *
Screencap photos from Youtube @DisneyUK |
Napagtanto nya na napakahalaga pala ng manikang ito sa kayang lola dahil ito ay regalo pa sa kanya noong siya ay bata pa.
Upang makabawi sa kanyang mga pagkukulang, agad inayos ng apo ang kanilang bahay, gumawa ito ng mga parol bilang Christmas décor na nakagawian na nilang maglola tuwing sasapit ang Pasko.
Pagkababa ni lola, bumungad sa kanya ang mga nagliliwanag na mga parol at sabay abot sa kanya ng regalo ng kanyang apo na mismong ang manikang si Mickey Mouse din ang laman.
Nakaka touch talaga ang nasabing Christmas advertisement ng Disney. Pinapakita nito ang mga tradisyon ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng Pasko.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong 22 Million views sa Facebook page ng Disney UK at mayroong 897k reactions, 70k comments at 642k na shares. *
Screencap photos from Youtube @DisneyUK |