Mga Amerikana, trending ang reaksyon sa hindi pagkapanalo ng half-pinay bilang Miss USA - The Daily Sentry


Mga Amerikana, trending ang reaksyon sa hindi pagkapanalo ng half-pinay bilang Miss USA





Kumpyansa sa ganda at talino ng Pilipina? Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit napusuan ng mga Amerikanang ito ang isang half-pinay na lumaban para sa state na Idaho sa beauty pageant na Miss USA.


Sa katatapos lang na pageant, muntik nang masungkit ng proud half-Filipina na si Kim Layne ang pinakaaasam na korona. Pinay ang kanyang nanay at ang tatay naman nya ay Irish. 



Sa naganap na coronation night, ang huling dalawang natira para paglabanan ang nag-iisang titulo ay si Miss Idaho at ang black American na si Miss Mississippi. 



Dahil bumilib sa galing ng naging overall performance sa pageant ni Layne, labis na nagulat ang ilan sa kanyang pagkatalo. Isa na dito ang Miss USA 2016 na si Deshauna Barber na nag-trending ang reaksyon matapos i-anunsyo kung sino ang nanalo. 

Si Barber ay naging malapit din kay Pia Wurtzbach nang maging roommates ang dalawa sa Miss Universe apartment sa New York. 




Habang umeere ang Miss USA 2020, mapapanuod ang live video sa Instagram ni Barber kasama ng iba pang mga kapwa nya babae na black Americans. 

Bago pa ianunsyo ang panalo, maririnig ang isa sa kanila na sinabing bagaman lahat sila sa grupo ay puro black American, hindi sila supportive sa black American na kandidata para magwagi dahil ang half-pinay na si Miss Idaho ang mas nagustuhan nila at nais nilang mag-uwi ng korona. 

Kaya naman nang sabihin na ng host kung sino ang nagwagi, kapansin-pansin na lahat ng naturang Amerikana ay labis ang pagkabigla sa nangyari at halos hindi makapaniwala. 

Panuorin dito: