Photo Courtesy: Majie Cartajena |
Nakakapanlumo ang mga sunod-sunod na mga dagok na nangyayari dito sa ating bansa, kung saan patuloy parin ang ating pakikipaglaban sa mga pagsubok dulot ng pandemya at ang magkakasunod na pagpasok at pananalasa ng malalakas na bagyo.
Viral ngayon sa social media ang post ng isang guro na si Majie Cartajena tungkol sa kung paano niya sinagot ang kanyang estudyante habang pinasok ng tubig baha ang loob ng kanilang bahay.
Sa nakakatakot na sitwasyon, ikinalulungkot na ipinaalam ng kanyang estudyante na inalon at nabasa ang mga module nito.
"Ma'am ianalon po module ko...Basa,"
Photo Courtesy: Majie Cartajena |
Pumukaw ng atensyon sa mga netizen ang naging sagot ni Cartajena sa sitwasyon ng kanyang estudyante, at sinabi nitong unahin munang iligtas ang kanilang mga sarili sa baha at wala na siyang pakialam kung ano mang mangyari sa mga modules nito.
"Wala akong pakealam sa module niyo kung mabasa. Masmahalaga kaligtasan nyo. Unahin niyo muna sarili at pamilya nyo,"
"Napapalitan yang mga modules kayo hindi,"
Pinatunayan ng batang ito na kahit pa sa anong pagsubok dumating, hinding-hindi niya parin nakakalimutan ang ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral at abutin ang pangarap.
"Di ko alam mararamdaman ko muang inisip pa ng bata na to sasabihin ko kasi nabasa module nya," dagdag pa ng guro.
Marami sa ating mga kababayan ang labis na naaapektuhan at nalubog sa baha ang mga kabahayan at ang kanilang mga pangkabuhayan. Ngunit kahit pa sa anong pagsubok nanaig padin ang pakikipagtulungna at bayanihan sa ating mga Pilipino.