Psychic na si Rudy Baldwin, may LIMANG BAGONG nakagugulantang na prediksyon - The Daily Sentry


Psychic na si Rudy Baldwin, may LIMANG BAGONG nakagugulantang na prediksyon



Pinag-uusapan at trending ngayon, hindi lamang sa social media, ang psychic na si Rudy Baldwin dahil sa kanyang mganakagigimbal na mga prediksyon na nagkakatototo.

Ilan na lamang dito ay ang pagkamatay ni Lloyd Cadena, na isang sikat na vlogger, at aksidenteng pagkamatay ni Kobe Bryant at ng kanyang anak o ang pag-alboroto ng Bulkang Taal na pawang lahat nagkatotoo. 

Larawan mula sa Sky News

Taal Volcano Eruption 2020


NARITO ANG KANYANG LIMANG (5) EKSPLOSIBONG AT BAGONG MGA PANGITAIN: 


1. Isang Asian leader daw ang nakikita niyang papanaw. 

"'Yung pangalan niya ay tumatatak talaga. Masa(sa)wi siya mismo kung saan siya nakatayo kasi nakikita ko sa vision ko nakaharap siya sa maraming tao. Pero ang isang option naman is, pwede siyang masawing tulog," paglilinaw ng babaeng psychic.

2. May mangyayari na malaking trahedya sa dagat. 


"Hindi po ito biro eh. Malaki po ito. Malaking barko kung saan maraming tao ang nakasakay. After na malunod yung napakalaking barko, maraming tao ang nawala, maraming tao ang nasawi,"
pahayag ni Rudy.

3. Magluluksa ang buong showbiz industry dahil may tatlong artistang babawian daw ng buhay.

"Ang unang artista ay matatawag kong 'legend'. Ang artista na 'to ay namamayagpag pa siya hanggang ngayon. Sa modeling, sa commercial, sa movie, pero meron siyang political side. Ang ikasasawi niya ay ang karamdaman niya," ani ng babaeng psychic.

"Pangalawa, artistang lalaki. Medyo nakikita ko siya sa pulitika pero ang ikakasawi niya is part of murder. Pinasok ito sa loob ng bahay saka doon siya pinatay. 'Yung pangatlo, isang teenager. Bata pa lang ito. Ang nakita ko kasi is yung pagkakaaksidente niya talaga ang ikakasawi  niya pero andoon kasi ung word na 'careless'," pahayag niya.


4. Sasabog ang bulkang taal na mas malakas pa sa unang pagsabog.

"Kumbaga, andun yung words na 'traydor ang Taal.' Paparamdamin ka ng katahimikan at bigla ka na lang bubulabugin. So alam niyo, yung vision ko sa Taal, sasabog po talaga siya ulit. Kasi habang tinitignan ko yung vision ko, lumalabas talaga yung apoy doon sa bunganga ng Taal," aniya.

Courtesy: Mike Saragan

5. Mas malalang hagupit ng kalikasan.

"Dapat tayong manalig sa Diyos at higit pa dun, dapat mas malalim dahil higit pa tayong makakaranas ng matinding kalamidad . Kahit yung tinatawag natin na krimen, higit nating mararanasan yan sa mga darating na pang buwan at taon."


Nitong nakaraang Linggo, Nobyembre 9, ipinalabas sa isang show ang bagong mga pangitain ni Rudy ngunit makalipas ang tatlong araw Nobyembre 11 ay hinagupit ng bagyo ang ilang parte ng Luzon kung saan lumubog ang maraming lugar sa baha kung saan nanalasa ang bagyo.



Sa ilang mga presdiksyon, ayon kay Rudy, ang ilan dito ay maaring mapigilan kung maabisuhan ng maaga at susunod ang tao sa babala. 



Binigyang diin pa niya na walang tunay na nakakaalam kung ano ang pwedeng mangyari sa atin, siyento porsyento, sa hinaharap. Diyos lamang ang nakakakita ng kinabukasan at Diyos lamang din ang may kapangyarihan na ito ay baguhin. 

Source: 1