Palaban si besh! Cebu Pacific employee, game na game na nakipag-gay lingo sa netizen - The Daily Sentry


Palaban si besh! Cebu Pacific employee, game na game na nakipag-gay lingo sa netizen




Sa dami nang mga masasamang kaganapan ngayon sa paligid lalo na sa panahon ng krisis, good vibes at positivity ang hanap ng mga tao sa social media. Tulad na lang ng nangyari sa isang netizen na ito.


Nagdala ng good vibes sa marami ang naging usapan online sa pagitan ng isang pasahero at Cebu Pacific employee dahil sa kakaibang approach ng naturang empleyado. 

Para manatiling professional ang imahe, bibihira ang mga customer service representative o CSR na nakikipagbiruan sa kanilang mga kliyente lalo na kung ang pag-uusap nila ay tanging sa chat o email lang.

Pero binali ito ng isang nagta-trabaho para sa nasabing airline dahil sa kanyang naging paraan ng pagsagot sa pasahero na nag-chat sa kanilang Facebook page.

Sa mga screenshot na in-upload ni Katkat Dasalla, mababasa ang kanilang naging nakakatawang usapan matapos nyang mag-follow-up tungkol sa kanyang ticket.


Makikita sa kanilang convo na game na game na nakipagsabayan sa gay lingo ang hindi kilalang empleyado nang hamunin sya ng netizen. 


"TRULALEY MAMA!"

Ni-request ni Dasalla na gawin nya ang isang bagay para mapatunayang live chat iyon at hindi basta automated response lang ang naging sagot sa kanya.  


Dulot nito, hindi maikakaila na na-satisfy ang nasabing pasahero sa binigay sa kanyang customer service. Labis naman itong nagpatawa at ikinatuwa ng mga netizen matapos kumalat sa social media dahil hindi ito pangkaraniwan o madalas mangyari.

Tignan ang kanilang naging usapan dito:


Dahil may mga hindi makapaniwala sa naging usapan nila, nag-upload pa ng screen recording si Dasalla para patunayan na legit ito.