Netizen nahuli ang panloloko ng kanyang kasintahan sa kasagsagan ng lockdown - The Daily Sentry


Netizen nahuli ang panloloko ng kanyang kasintahan sa kasagsagan ng lockdown



Sino nga ba ang hindi masasaktan kapag nalaman mong niloloko ka ng iyong kasintahan o partner? Sabi nga nila, sa panahon ngayon ay mahirap ka ng makahanap ng tapat at totoong magmamahal sa iyo.
Photo credit to the owner

Marami na tayong nalamang kwento sa social media patungkol sa mga panloloko at talaga namang viral ito nagiging usap-usapan.

Samantala, isa nanamang kwento ng panloloko ang aming nasagap sa social media, patungkol ito sa lalaking niloko ng kanyang girlfriend sa kasagsagan ng ipinapatupad na lockdown o Enhanced Community Quarantine (ECQ)sa ating bansa.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ng netizen ang mga larawan at pag-uusap sa messenger ng kanyang girlfriend at ng isang lalaki.

Ang mga ito umano ay ang patunay ng pagtataksil ng kanyang kasintahan na minahal niya ng sobra at hindi inakalang lolokohin siya.

Sa mga screenshots ay mababasa ang lambingan ng kanyang girlfriend at ng lalaki. Mayroon din palitan ng larawan ng dalawa na mas lalong nagpatunay sa panloloko ng babae.

Mababasa rin sa mga screenshots ang mga maseselang usapan. Kaya naman hindi na nakapagpigil ang netizen na isiwalat sa buong mundo ang ginawang panloloko sa kanya.

Aniya, marami pa siyang nalaman na usapan ng dalawa ngunit hindi na niya ito nakayanang basahin pa.

Nang komprontahin ng netizen ang kanyang girlfriend, ang tanging sinabi ay nawalan daw di umano siya ng oras para sa kanya kaya naghanap ng ibang magbibigay ng oras na kailangan niya.

Sorry ginusto ko maging private lahat pero sobra na to…Lahat ginawa ko para sayo..porke parati lang akong pagod sa work at di ka napagbibigyan sa mga onting gusto mo..nakikipag sex ka pala sa iba,” sabi ng netizen.

Narito ang mga ibinahaging screenshots ng netizen.




***