Lola na 85 anyos, binuhusan ng kaning baboy ng kanyang sariling anak - The Daily Sentry


Lola na 85 anyos, binuhusan ng kaning baboy ng kanyang sariling anak



Larawan mula kay Willie Damasco


Ang magulang ang nag-aruga sa atin nung tayo ay mga musmos pa lamang. Maraming sakrispisyo ang kanilang ginawa upang tayo ay mabigyan ng magandang buhay.


Kaya nararapat lamang na sila ay mahalin at alagaan sa kanilang pagtanda. Bilang respeto at pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng kanilang mga paghihirap para sa atin.



Ngunit sa kasamaan palad, may mga anak na tila hindi marunong magpasalamat at tumanaw na utang na loob. May iba na sinasaktan ang mga magulang lalo na kung matanda na. Yung iba pinapalayas pa.


Katulad na lamang itong nagviral kamakailan na kung saan ay isang 85 anyos na lola ang binuhusan daw ng kaning baboy ng kanyang sariling anak. Ang masaklap pa nito ay pinalayas pa.





Ayon sa nagpost na si Willie Damasco, ang sariling anak daw ni lola ang gumawa nito sa kanya. 



Kitang-kita sa mga larawang ipinost sa social media ang kawawang sitwasyon ni lola.





Basang basa ang damit ni lola at puno ng kaning baboy. Talaga namang bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.



Galit galit ang mga netizens sa sinapit ng kawawang matanda:


Guys pls help natin si nanay na mapansin si sir TULFO 😭😭😭bakit kaya sya binuhusan Ng pagkain Ng baboy ang SARILI NYANG nanay,pls help tag natin Kay sir raffy, kahit po kasalanan pa Ng mga magulang natin Hindi parin po dahilan para ganituhin natin Ang nanay natin 😭😭


"HINDI MO ALAM PAKIRAMDAM NANG HINDI KASAMA MAGULANG, WALANG KWENTANG ANAK KA KUNG SINO KA MAN."


"Minsan ang mga magulang natin pag tumatanda na tumitigas talaga ang ulo nila, pero sana kahit gaano pa sila kakulit o katigas ang ulo matuto pa din tayong magpasensiya at rumespeto, tandaan natin na utang na loob natin sakanila ang buhay natin, walang kahit na anong bagay o halaga ng pera ang katumbas ng sakripisyo nila satin. Maswerte pa kayo na may Magulang kayo tapos binababoy niyo lang, tandaan niyo, kung ano ang ginagawa ninyo sa Magulang niyo ay siya ring gagawin sa inyo ng mga Anak niyo."


"Hayop ka Ako salbahe akong anak pasaway at matigas ulo ko pero never Kong ginawa sa Magulang ko Yan kahit noong may sakit na cia. Kung Sino ka man Sana huwag. Bumalik SAYO yan ginawa mo sa Nanay mo. Dapat sayo mabigyan ng leksyon."