MOTHERS LOVE: "Kahit butas-butas na at maluwang na pinagtitiisan parin ni Nanay" - The Daily Sentry


MOTHERS LOVE: "Kahit butas-butas na at maluwang na pinagtitiisan parin ni Nanay"



Photo Courtesy| Rea Rivera


Inuuna ang kapakanan ng mga Anak kahit wala ng matira para sa sarili. 


Ganyan ipinapakita ng mga Nanay ang kanilang pagmamahal, kayang harapin ano mang pagsubok at handang magsakripisyo para sa kanyang mga mahal na Anak. 


Nagviral ang isang post ni Rea Rivera tungkol sa kanyang magandang regalo na bouquet ng Panty para sa kanyang Nanay na inuuna ang kapakanan nilang magkakapatid. 



Aniya, hindi na magawang intindihin pa ng kanyang Nanay ang sarili at halos 'di na makabili pa ng kanyang pansariling gamit at pinagtitiisan nalang kung anong meron. 


"Minsan kahit butas-butas na at maluwang na ang garter, pinagtitiisan parin ni Nanay ang undies niya para unahin ang pangangailangan ng kanyang mga anak," saad niya.


Photo Courtesy| Rea Rivera


Kaya naisipan ni Rea na pang regalo sa kanyang Nanay ay mga underwear na siguradong ikatutuwa at sobrang maaapreciate na ng kanyang Ina, ang kahit kaunting handog mula sa kanyang anak. 


"Kaya ang mabigyan ng ganito si Nanay ay sobrang nakakatuwa na,"



Hindi kailangang magagarbo ang mga pangreregalo o mga bagay na ibigay sa inyong mga magulang, kahit pa wala, basta sama-sama, puno ng pagmamahal at maayos ang buong pamilya, yan na ang pinaka da-Best na regalo para sa kanila. 

***

Source:  Rea Rivera

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!