Nanay ni Christine Dacera, may matinding mensahe sa mga lalaking suspek - The Daily Sentry


Nanay ni Christine Dacera, may matinding mensahe sa mga lalaking suspek





Sinabi ng ina ng flight attendant na si Christine Dacera na tumawag pa sa kaniya ang anak noong magpalit ang bagong taon upang sabihin na magpa-party siya sa isang hotel sa Makati kasama ang mga kapwa flight attendant.



Ayon sa ina ni Christine na si Sharon, pinayagan niya ang anak na dumalo sa party dahil nakita niya na kasamahan nito sa trabaho ang kasama.


Ilang minuto matapos magpalit ang bagong taon, nag-video call daw sa kaniya ang anak.


“‘Sinong kasama mo, ‘nak?’ ‘Siyempre, ‘yung mga friends ko po rin na flight attendant.’ Sabi ko sino, so ‘yun pinakita niya sa’kin mga flight attendants. So, in short, since I really trust my daughter, [sabi] ko ‘Basta enjoy ka ‘te ha, enjoy enjoy lang ‘nak,’” saad ni Sharon.


“Wala akong any presumption na something will happen to my daughter, because siyempre ang kasama niya, mga kasamahan niya ring flight attendant,” patuloy niya.


Ang kaibigan din umano ni Christine na kasama sa hotel ang tumawag sa kanila tungkol sa masamang balitang nangyari sa anak.


“‘Bakit, ano ba nangyari sa anak ko?’ ‘Namatay na.’ So no’ng nagsabi siya na namatay na, ‘Ha? Nag-usap pa kami kanina 12:34 in the morning.’ Hindi ko alam kung anong gawin ko because physically, I’m not with my daughter,” umiiyak na sabi ni Sharon.


Kitang-kita ang paghihinagpis niya sa nangyaring ito sa kanyang anak. May matinding mensahe sya sa mga suspek sa insidente.


Aniya sa isang interview, hindi deserve ni Christine ang dinanas nya sa mga lalaking itinuring nya mga kaibigan.



Panoorin ang buong video: