Netizen, humihingi ng tulong para sa isang matandang Ice Drop vendor - The Daily Sentry


Netizen, humihingi ng tulong para sa isang matandang Ice Drop vendor



Larawan mula kay Carlos Pajo

Kumurot at pumukaw sa damdamin ng mga netizens ang isang post ngayon sa social media tungkol sa isang Lolo na kahit pa sa katandaan ay patuloy paring nagsusumikap sa paghahanapbuhay. 


Sa post at mga larawang ibinahagi ni Carlos Pajo, makikita ang isang matanda na nagtitinda ng kanyang Ice Drop sa gilid ng daan.     


Siya ay si Tatay Semion, 73 taong gulang na pero patuloy na lumalaban sa hamon ng lahat ng hamon sa buhay. 


Marahil, dahil nadin sa katandaan ay nakakatulog nalang ito sa kanyang pwestong pinagtitindahan niya sa Pardo Public Market Cebu. 


Sa post ni Carlos, humihingi siya ng tulong para kay Tatay Semion para kahit papano ay matulungan ang matanda sa kanyang pamumuhay. 


Larawan mula kay Carlos Pajo


“Sana matulungan si lolo,,kahit matanda na nagtitinda parin ng icedrop..nakatulog nalang sa pagtitinda ,,paki share lang po mga guys baka matulungan ni idol raffy tulfo or miss jessica soho...,”


Napag-alaman sa isang interview ni Carlos sa The Philippine Star, na may deperensya na sa pangangatawan si Tatay Semion. 


“May deperensya na po siya sa paglalakad, tabingi na kung maglakad si tatay,” saad niya.


Nakaramdam siya ng lungkot at awa para sa matanda dahil hindi iniinda ang katandaan para lang makatulong sa gastusin nilang magkakapatid. 


“Pero kung makakakita ako ng katulad ni tatay sa edad niya nagtitinda pa rin kahit nahihirapan para lang mabuhay ng marangal, naiiyak talaga ako,“ 


Hindi nagdalawang isip pa si Carlos na i-post ang kanyang apila at mga kuhang larawan, para kahit sa ganong bagay ay nakakatulong siya. 




Larawan mula kay Carlos Pajo



“Naisipan ko po na i-post po para man lang makatulong ako sa kapwa tao… sa ganon paraan lang ako may maitutulong,” saad niya


“Sabi nila mabait daw si tatay, namimigay ng mga ice drop sa mga bata ‘pag hindi nauubos,” dagdag niya. 


Marami ang mga naantig sa angking kasipagan ni Tatay Semion, ngunit mas marami ang mga naawa sa sitwasyon ng matanda dahil sa imbes na nasa edad na siya ng pagpapahinga na lang sana ang ginagawa ay nagbabanat parin ng buto.  


***


Source:  Carlos Pajo


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!