Walang kawala! Palusot ng bogus buyer, hindi umubra sa online seller - The Daily Sentry


Walang kawala! Palusot ng bogus buyer, hindi umubra sa online seller



 


Halos hindi malaman ng online seller ang kanyang gagawin matapos hindi tumupad sa usapan ang isang buyer na nagsabing kukuha sa kanya ng 21k gold necklace ngunit basta na lang itong biglang nag-cancel.


PALUSOT NA HINDI LUMUSOT


Sakit sa ulo lang ang napala ng online seller na si Jerley Soriano mula sa isang buyer na noong una ay inakala nyang matinong kausap. 



Sa umpisa ng kanilang usapan ay maayos na nakikipag-transact ang babaeng gustong bumili sa kanya ng isang 21 karat na saudi gold necklace kaya naman madaling nagtiwala ang online seller dito. Ngunit sa kasamaang palad, kinalaunan ay bigla na lang itong naging malabo kausap at nagsimulang magbigay ng tila isang palusot na hindi umubra sa kaawa-awang online seller na naperwisyo. 


LAST MINUTE CANCELLATION


Nang matanggap na ni Soriano ang kwintas mula sa kanyang supplier, laking gulat na lamang nito nang hilingin na mag-cancel ng kanyang order ang naturang bogus buyer kung kailan gumastos na ang nasabing seller para sa kwintas na dapat sana ay bibilhin na sa kanya. 


ONLINE SELLER NG GINTO, NATANSO 


Nang ipaliwanag ni Soriano sa nagbaback-out na buyer na hindi na maaari pang cancel-in ang order ay dito na lumabas ang tunay na kulay ng babae. 

Makikita sa kanilang usapan na nakuha nya pang pagsalitaan ng masasakit na salita ang kawawang seller at sya pa ang galit na galit. Sa puntong ito, napagtanto ng tindera ng kwintas na ginto na sya ay natanso o naloko ng kausap nyang bogus buyer gamit ang palusot na mababasa sa kanilang usapan. 


Basahin ang kanilang usapan: