Biktima ng bagong modus ng grupo ng mga kawatan "Laglag Susi at Barya" nagbabala sa publiko - The Daily Sentry


Biktima ng bagong modus ng grupo ng mga kawatan "Laglag Susi at Barya" nagbabala sa publiko



Latrawan mula sa post ni Lailah Laosie


Sa hirap ng panahon ngayon, sumasabay pa ang walang humpay na pag-atake ng mga masasamang loob na manloko ng kapwa nila, dahil ang gusto ay “easy money” lang kaya’t target ang mga pinaghihirapan ng iba. 


Isang bagong modus na naman ngayon ng mga kawatan ang nais ipaalam ng isang concern citizen na nabiktima nito. 


Sa ibinahaging post ni Lailah Laosie, magpapark na sana siya ng kanyang sasakyan sa may SM Center Las PiƱas nang napansin niyang may isang babae na kumakatok na sa kanya at may tinuturo sa bandang likuran ng sasakyan. 



May ipinain na pala ang grupo ng babae na mga kunyareng nahulog na mga barya at susi, para magkunwaring itanong kay Lailah kung sa kanya ba ang mga ‘yun. 


Dahil sa hindi pag-aakalang yun ay modus ng mga kawatan, bumaba siya ng kanyang sasakyan at tinignan kung ano ang meron sa mga itinuturo ng babae.




Pagbaba ng sasakyan ni Lailah, naging hudyat ito upang sumalakay ang 2-pang kasamahan ng babae doon sa harapan ng kotse, at puntirya ang bag niyang dala. 


Nang pabalik na siya sa harapan ay agad na kumaripas ng takbo ang mga kawatan at sa kabutihang palad ay hindi siya nagpalinlang at nagtagal sa likod at hindi nila naisakatuparan ang maitim na balak. 


Napaisip din siya sa nangyari, dagil sa dami ng mga security guards sa paligid ay wala man lang daw niisang nakapansin sa nangyayari. 



Paalala din niyang siguruhin palagi ang mag-ingat lalong-lalo na sa mga walang kasama lumabas at baka tuluyang mabiktima sa ganitong modus ng mga kawatan. 


Narito ang kanyang buong pagkukwento:



Share ko lng po Beware sa taong ito at sa dalawa nyang kasamang babae (di ko na picturan) habang nagpapark ako sa Sm center 5:10pm biglang may kumakatok sa kotse ko isang babae  tinuturo kung sakin ba mga coins and keys na nasa  likod ng kotse (nasa picture) 


bumaba ako at tiningnan pero bumalik ako agad (seconds lng pagitan) may lalake at babae na palang ioopen na sana ung front door ng car pra kunin mga bag ko. 



Pagkita nila sakin bigla silang alisan tatlo, sa dami ng guard dun wla man lng nkapansin sakin. Super ingat nlng po sa mga walang kasama.


***

Source: Lailah Laosie

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!