Babae ginawang facemask ang kanyang 'panty' matapos palabasin ng guard sa supermarket - The Daily Sentry


Babae ginawang facemask ang kanyang 'panty' matapos palabasin ng guard sa supermarket



 


Photos courtesy of Facebook @Sabrina Chiloane


Maraming pagbabago sa ating pamumuhay mula ng magkaroon ng pandemya. Nalimitahan ang ating mga pagkilos, ang pakikipag-salamuha sa ibang tao at ang paglabas ng bahay at pagpunta sa mga establisyemento.


Bawat kilos at galaw ay dapat naaayon sa health protocols na itinakda ng ahensya ng pamahalaan na humahawak sa pag-control ng pandemya.



Ito na marahil ang tinatawag na "new normal" kung saan ay kailangang magsuot ng facemask at ang iba pa nga ay face shield, ang sinuman na nais pumasok sa anumang establisyemento di lamang sa ating bansa maging sa buong mundo.


Tulad na lamang ng isang pangyayari na naganap sa Bolivia, kung saan ang isang babae na namimili sa isang grocery store ay pinalabas ng mga staff ng Pick n Pay supermarket dahil sa wala itong suot na facemask.


Umalma ang nasabing customer at tumanggi itong lumabas ng supermarket. At dahil mahigpit na pinapatupad ang health protocols sa nasabing supermarket kaya naman pinapalabas na lamang ang babaeng customer na ito upang hindi na magkaroon ng pagkadismaya sa ibang mamimili.



Nang magbabayad na ang customer sa cashier ay pinayuhan itong lumabas na lamang na supermarket kung hindi ito magsusuot ng facemask. *


Photos courtesy of Facebook @Sabrina Chiloane




Nagmatigas ang babae na hindi ito lalabas ng supermarket dahil sa nakapamili na rin siya ng kanyang mga kailangang bilhin.


Patuloy ang pagtatalo ng mga security officers at ng babae at ito ay nagagalit na. Maging ang ibang customers ay naiinis na rin sa pagmamatigas ng babae.


Maya-maya pa ay bigla na lamang yumuko ang babae at sabay dukot sa kanyang suot na underwear at ito ang ginawa nyang facemask.


Hindi makapaniwala ang customer na nakasaksi sa pangyayari na siyang kumukuha rin ng video ng insidente at natawa na lamang sa ginawa ng babae.


Samantala, makikita rin sa video na sinang-ayunan ito ng isang babaeng customer at dinepensahan pa ang nasabing babae.


“Personally, I find that acceptable,” pahayag ng isang customer sa security guard at kanya itong pinagtatanggol.



“It is a mask. Quite frankly I think the bacteria on your knickers is less than on the mask. So well done to you. Brilliant.” dagdag pa nito. *

Photos courtesy of Facebook @Sabrina Chiloane