Babaeng kumuha ng buong tray ng itlog, nagsalita na: "Hindi namin sinarili yun" - The Daily Sentry


Babaeng kumuha ng buong tray ng itlog, nagsalita na: "Hindi namin sinarili yun"





Kalat na kalat ngayon sa social media ang video ng isang babae at mga kasamahan niya na dumampot sa lahat ng laman ng isang community pantry.


Base sa video, kitang-kita ang pagsimot ng mga babae sa mga goods na nakalatag sa lamesa. 



Nakilala ang isang babae na si Maricar Adriano na siyang kumuha sa buong tray ng itlog.






Galit na galit ang mga netizens sa inasal ng mga babaeng sangkot sa issue na ito.


Ayon kay Maricar, hindi nila sinarili ang mga kinuhang items sa community pantry.



"Actually, hindi namin sinarili yun. namigay kami sa kapitbahay," aniya sa kanyang post sa social media.


"Hindi po napunta samin lahat yun," dagdag niya.



Narito ang kanyang buong Facebook post:



Pati ang live selling ni Maricar ay pinutakti ng mga netizens. Marami ang mga pumuna sa inasal niya.