Lalamove Rider na Nag-abono para sa Cellphone delivery, Biktima ng Fake Booking. Laman ng Box, Sirang Metro! - The Daily Sentry


Lalamove Rider na Nag-abono para sa Cellphone delivery, Biktima ng Fake Booking. Laman ng Box, Sirang Metro!



Photo credit to Ahmen Iglesias Ramirez | Facebook

Ngayong panahon ng pandemya, isa sa mga maituturing nating mga bagong bayani ay ang mga Delivery Riders dahil kahit anong peligro ang kanilang kinahaharap sa banta ng virus ay patuloy pa din sila sa pagbibigay ng serbisyo sa taong-bayan.

Ngunit nakakalungkot isipin na minsan ay nasusuklian ng hindi maganda ang kanilang serbisyo dahil sa mga taong nanloloko at nanamantala.



Tulad na lamang ng nangyari sa isang delivery rider ng Lalamove na si Arcy Ramirez na niloko diumano ng kanyang customer at biktima ng 'Fake Booking'.

Kwento ng asawa ni Arcy na si Ahmen Iglesias Ramirez, na-scam ang kanyang mister ng isang babaeng customer na nagpapick-up ng cellphone sa opisina nito sa Pasig city at kanyang ipinapadeliver sa Diliman, Quezon City.

Inabonohan diumano ng kanyang asawa na si Arcy ang package sa halagang Php 2,300 na ibinayad sa customer sa pagtitiwala at pag-aakalang tunay ang ginawang booking nito.

Photo credit to Ahmen Iglesias Ramirez | Facebook

Photo credit to Ahmen Iglesias Ramirez | Facebook



Ngunit ng naiabot niya na ang pera ay ayaw daw pabuksan ng customer ang box. Kaya naman nung papunta na si Arcy sa dapat na delivery address ay bigla daw ito kinutuban kaya kanyang binuksan ang box at laking gulat ng makita na ang laman nito ay isang Metro na sira at wala ang sinabing cellphone na kanyang inabonohan.

Sa sobrang galit at pagkadismaya ay ibinahagi ni Ahmen sa social media ang panglolokong ginawa ng customer na nagpakilalang si Alexandra E. Morales na nagpakita pa ng I.D na anila malamang ay fake din at gawa-gawa lamang nito.

Photo credit to Ahmen Iglesias Ramirez | Facebook

Photo credit to Ahmen Iglesias Ramirez | Facebook


Hangad ni Ahmen na mabigyan ng hustisya ang kanyang asawa at mahuli ang manlolokong si Morales upang hindi na maulit pa ang ginawa nito sa iba pang delivery riders.

Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:

"HINDI TLGA AKO MHILIG MAG POST.POST . PERO NGAYON PWEDE BANG PAISA LANG !!!

PARA SA MGA KAGAYA KONG ASAWA NG TAGA DELIVER NYO mam/ser ! (LALAMOVE)

GUSTO KO LNG ISHARE UNG SAKIT NG PAKI RAMDAM NG MA IS-CAM UNG ASAWA MO ! UNG MALOKO ! UNG MANAKAWAN ! ANG SAKIT LANG NA SA ISANG IGLAP MAWAWALAN KA NG PERANG PINAG HIRAPAN MO

SORRY ! da ah KASI IMBES NA IKAW UNG UNA KUNG ICPIN UNANG TANUNGIN KUNG OK KA LANG ! INCP KO AGAD UNG PERANG NAWALA SAYO HINDI PO AKO MUKANG PERA ! PERO BAWAT SENTIMO PO NG PERA PARA SKEN NGAYON AY MAHALAGA

LAM KO PO TIWALA AKO SA ASAWA KO NA HINDI SYA BASTA.BASTA MALOLOKO ! PERO KUMAKAPIT LANG DIN PO SYA SA PATALIM . SUMUSUGAL NAG BABAKASAKALING MAKA KUHA NG KOKONTING KITANG MAIUUWE PARA SMEN

ANG SAKET LANG KASI BAKIT MAY MGA TAONG NANLOLOKO ! BABAE KA PA NAMAN ATE ! MATINO PONG NAG HAHANAP BUHAY ANG ASAWA KO ! BAKIT SYA PA ! UNG GAGAGOHIN MO

GUSTO KO SYANG MANAGOT ! GUSTO KO SYANG MAHULI ! KC LAM KNG GAT HINDI SYA NHUHULI HINDI SYA TITIGIL NG PANLOLOKO NYA ! MARAMI PA SYANG MALOLOKO !

TULUNGAN NYO NAMAN PO KNG MAHULI SYA !! IPAPADAMA KO LANG SA KNYA UNG SAKET N NRAMDAMAN KO NGAYOOON !

Lord ikaw na po ang bahala sa kanya"



SourceAhmen Iglesias RamirezPrincess Pascual