OFW sa Dubai, sorpresang biniyayaan ng isang bagong sasakyan dahil sa angking kasipagan. - The Daily Sentry


OFW sa Dubai, sorpresang biniyayaan ng isang bagong sasakyan dahil sa angking kasipagan.



Isang hindi inaaasahang biyaya ang natanggap ng isang Pilipino sa Dubai mula sa isang sikat na influencer na si Supercar Blondie!

Sa YouTube video na ibinahagi nito lamang Marso 29, itinampok ang Pinoy na si Jeric nang sorpresahin siya at makita ang tanyag at internet sensation na si Supercar Blondie sa isang carpark sa Dubai. Ani ng influencer, “Look, I got surprise for you today.”



Imahe mula Supercar Blondie | YouTube

Isinalaysay ng boss ni Jeric na si Abir, na siya mismong nagnomina upang mabiyayaan ng brand new Hyundai Elantra ang ating Pinoy bida, ang kuwento ng isang taong hinahangaang lubos ng lahat sa kanilang opisina.

Pahayag ni Abir, “He’s not only one of my office assistants; he’s one of my main team members. He joined us three years back. He came from the Philippines with empty pockets."

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube

"With the help of his brother in läw and his sister, they helped him secure a job here at One Business Centre."

Dagdag pa nito, hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Jeric kahit na karamihan sa kanila ay nabawasan ang suweldo dahil sa kasalukuyang sitwasyong kinakaharap ng buong mundo.

Masaya raw si Abir para kay Jeric, at kung mayroon lamang siyang pagkakataon at kakayahang makatulong, ay palagi raw niya itong pipiliin.

Makikita sa video ang pagka "starstruck" si Jeric nang biglang lumabas ang YouTube sensation na si Supercar Blondie, at talagang bakas ang kagalakan sa mukha nito ng makita ang tanyag na personlidad.

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube

Ayon kay Supercar Blondie, naibahagi sa kanya ng mga katrabaho ni Jeric kung gaano siya kasipag sa trabaho.

“Jeric you are such a deserving person of what’s just about to happen. I want you to turn around, this is yours,” sabi ng YouTuber sa Pinoy sabay turo sa isang brand new Hyundai Elantra.

Halos hindi makapaniwala, dito na rin tuluyang naluha sa saya ang masipag na Pinoy sa kanyang natanggap na sorpresa.

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube


Agad na tinawagan at ibinalita ni Jeric sa kanyang ina na nasa Pilipinas ang magandang balita. Ang kwento pa nito sa nagbahagi sa kanya ng sasakyan ay,

“This is for my mom. I’m crying this morning because I messaged my mom. I know she’s lonely. She’s in the Philippines. Then that’s why this is for her. It’s a big help, a blessing in disguise.”

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube


Source: Supercar Blondie | YouTube