Babaeng rider na walang helmet, walang lisensya at walang facemask nakipagmatigasan, huling-huli na sumagot-sagot pa! - The Daily Sentry


Babaeng rider na walang helmet, walang lisensya at walang facemask nakipagmatigasan, huling-huli na sumagot-sagot pa!



Screencap photos from Facebook @TOTOY N3GGA



Isang babaeng rider ang viral ngayon sa social media matapos itong sitahin ng mga traffic aide enforcer dahil sa sari-saring paglabag sa isang bayan ng Sta. Rosa sa Laguna nitong umaga lamang.


Sa isang video, makikita ang isang babae na nakasakay sa motor, na nakashorts, walang helmet, naka tsinelas at higit sa lahat walang suot na facemask.



Mapapanuod din sa video na tila matapang pa ang nasabing babae at nakikipagsagutan pa ito sa mga enforcers na sumita sa kanya habang hinahagod ang buhok.


Sinabi din ng isa sa mga enforcer na muntik na binangga pa sya ng babae at ipinagmamalaki pa nitong kamag-anak sya ng mayor.


Sinabi sa kanya ng traffic enforcer na wala na nga syang helmet ay wala pa rin itong driver's license na dala, at kung anu-ano pang mga traffic violations. Bukod sa lahat, ay lumabag ito sa health protocols lalo pa't ngayong lockdown.



Tila wala sa hulog ang babae, sinabi pa nito sa mga traffic enforcer na, "magbigay ka ng ticket pang-eroplano..." sabay hagod sa kanyang buhok at nakapamewang pa ang babae.


Nang tanungin siya ng traffic enforcer kung may lisensya ito, sinagot ng babae na, "akina na susi ko muna, kukunin ko pa sa bahay e." *


Screencap photos from Facebook @TOTOY N3GGA


Napag alaman na aktong babanggain ng babae ang traffic enforcer na sumita sa kanya kaya kinuha ng mga ito ang susi ng motor ng babae upang hindi na maka takbo pa.



Tinawag pa nitong mga aswang at mababaho ang hininga ng mga traffic enforcers at matapang pang hinamon sila na tawagin ang kanilang mayor.


 Sinabi pa ng mga enforcers na viral sya ngayon dahil sa mga paglabag na nagawa, ngunit pabalang nitong sinabi na, "Oo, hindi na bale, hindi naman ako virus!"


Agad namang sinagot ng enforcer ang babae, "Hindi nga, virus ka nga eh, dahil wala kang facemask at facechield na suot."



Maririnig sa usapan ng kumukuha ng video at ibang mga enforcers, na tila wala sa katinuan ang babae dahil kung nasa katinuan ito ay marahil hindi ito matapang at pabalang sumagot. *


Screencap photos from Facebook @TOTOY N3GGA



Maya maya pa ay dumating na ang mga pulis at isinama na ito sa prisinto upang mapatawan ng kaukulang parusa sa mga paglabag lalo na sa health protocols na mahigpit ng mahigpit na ipinapatupad sa buong bansa. 


Ikinagalit naman ito ng mga netizens at inulan ng batikos ang nasabing babae sa viral video. Narito ang ilan sa mga opinyon ng mga netizens:


"Ang tigas ng mukha sya pang matapang.. dapat talaga kasuhan at ikulong ng di pamarisan.. kaya lalong naghihirap ang maraming mga pilipino dahil hindi na matapos ang pandemyang ito dahil sa mga tulad ng babaeng yang hindi matutong sumunod sa batas at pasaway... mga taong walang disiplina."



"Kapag ganyan ang ugali ng mga tao ngayon na ayaw sumunod sa mga protocol hindi tayo matatapos sa crisis na ating kinakaharap...." *


Screencap photos from Facebook @TOTOY N3GGA