Dating PBB Big Winner, Nagtatrabaho ngayon bilang isang SalesLady - The Daily Sentry


Dating PBB Big Winner, Nagtatrabaho ngayon bilang isang SalesLady



Mula sa pagigng blind item, tila nakumpirma na ng ilang netizens na ang celebrity saleslady ay si Miho Nishida. Dating PBB housemate at itinanghal na Big winner ng second batch ng Pinoy Big Brother 737 taong 2015. Si Miho ay kasalukuyang napapabalita na nagtatrabaho bilang isang saleslady sa isang store sa Japan.

[Photos from Google Images]

Marami ang nagulat na ang isang tanyag na tulad ni Miho na tila nagsisimula pa lamang sa kanyang karera ay nagpasiyang lumipad patungong Japan upang maghanap ng ibang trabaho at pagkakakitaan

Pero hindi lingid sa kaalaman ng lahat na simula ng magkaroon ng lockdown ay kasabay na nawala ang mga proyekto ng ilang mga artisa gaya ni Miho. Marahil sa kadahilanang ito ay nagpasyang bumalik si Miho sa Japan at magtrabaho doon para sa kanyang anak pati na rin sa kanyang ina.

Mayroon naman iilang endorsement at beauty products na ibinebenta online ang nasabing artista. Ngunit tila ang kaniyang kinikita ay hindi sapat para sa kanilang pamumuhay habang sila ay nananatili sa isang condominium dahilan upang magdesisyon siyang bumalik sa bansang kilala bilang “Land of the rising sun”

[Photos from Google Images]

Sa kabila ng lahat ng ito, ay hindi naman kinakikikitaan ng malaking pagbabago sa buhay ni Miho dahil siya ay isang kalahating Hapones at kalahating Pilipino na lumaki sa magandang bansa ng Japan. Kaya naman inaasahan ng magiging madali na para sa pananatili niya rito habang siya ay nagtatrabaho.

Matatandang marami ang nahumaling at nag tangkang manligaw sa maganda at sexy mother noong siya ay nasa loob ng bahay ni kuya hanggang sa outside world. Pinakamatunog nga dito ay si Tommy Esguerra na kasamahan niya rin sa loob ng PBB house.

Nagkaroon pa nga ang dalawa ng loveteam na kung tawagin ay “ToMiho” na sadyang kinagiliwan ng mga fans. Marami ang kinilig at sumubaybay sa tambalan ng dalawa Nguni matapos ang dalawang taon at nagdesisyon ang dalawa na mag focus sa kanya kanyang mga karera sa industriya.

[Photos from Google Images]                 

Bilang isang saleslady sa Japan, tiyak ang lahat na sapat niyang masusuportahan ang mga pangangailangan ng kanyang naiwang anak at ina sa Pilipinas. Ngunit sa kabila nito hindi rin maiwasan ng ibang fans ang magtanong kung handa na nga ba siyang iwan at kalimutan ang kaniyang showbiz career?

Sinagot ito ng kanyang manager at sinabing, “Babalik din naman siya. May inaayos lang kaming project at kapag sure na, babalikan niya ang pag-aartista. Pero nakakabilib nga si Miho dahil imbes na tumunganga sa condominium unit nila, talagang nagdesisyon siyang mag-saleslady muna sa Japan. Ganyan naman si Miho, hindi namimili ng trabaho para may ikabuhay sila ng kanilang anak at nanay,”

Tunay ngang hindi hadlang ang kinahaharap nating problema ngayon para mapatunayan ng isang Miho Nishida ang tunay na pagmamalasakit ng isang anak at pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

[Photos from Google Images]