Huli sa CCTV! Matapos tulungan ng kanyang misis na makapag-abroad. Mister, nakuha pang magtaksil! - The Daily Sentry


Huli sa CCTV! Matapos tulungan ng kanyang misis na makapag-abroad. Mister, nakuha pang magtaksil!



Lahat ng magulang ay walang ibang nais kundi mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Kaya naman kahit dumating pa sa punto na magkalayo o mangibang bansa ang isang magulang para lang kumita ng mas malaking halaga ay gagawin nito.

Pero taliwas sa nasabi ang nangyari sa sa mag-asawang sina John Carl at Christalyn.

Imahe mula huffingtenpost.com

Dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action si Christalyn Jambaro upang manghingi ng tulong laban sa ginawa ng kanyang asawa.

Ayon kay Christalyn, buong pusong tinulungan at sinuportahan ng kanyang pamilya at kamag-anak ang pangingibang bansa ng kanyang asawa na si John Carl upang mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang mga anak.

Imahe mula huffingtenpost.com


Imahe mula huffingtenpost.com

Tinulungan makapag aral at makapunta ng Australia si Carl. Nang makatapos ito ay kaagad nakapasok ng trabaho sa tulong pa rin ng tiyahin ni Christalyn na may sariling restaurant sa nasabing bansa.

Ngunit hindi nila akalain na ito ang magiging dahilan ng pagkasira ng kanilang pamilya. Ang dapat sanang simula ng pagtupad ng kanilang mga pangarap ay nauwi sa tanggapan ni idol Raffy.

Imahe mula huffingtenpost.com

Tila nabaliwala ang 11 taong pagiging kasanl ng mag asawa nang maaktuhan sa CCTV ang pagtataksil ni John Carl kay Christalyn.

Huling huli sa CCTV footage ang pag lalabing labing at ilang beses na paghalik ng lalaki sa nasabing kalaguyo nito sa mismong restaurant ng tiyahin ni Christalyn.

Imahe mula huffingtenpost.com

Ilang beses sinubukang tawagan ni Christalyn ang asawa para kausapin ngunit bigo ito at sa huli ay nakatanggap na lang ng text message mula kay John Carl na nagsasabing "pabayaan mo na lang ako"

Lingid sa kaniyang kaalaman na bukod sa nakitang eksena sa CCTV ay napabalitang nagli live-in na ang dalawang ito. Ito ay matapos tanggalin sa trabaho ng tiyahin ni Christalyn ang kanyang mister at babae nito.

Imahe mula huffingtenpost.com

Imahe mula huffingtenpost.com

Sa kanyang interview, tinawag ni Christalyn na walang awa at walang utang na loob ang kaniyang mister dahil sa ginawa at pagpili sa kanyang kabet bukod sa kaniyang sarilling pamiya.

Kaya't hiling niya sa tanggapan ay matulungan siyan na ipa-deport ang dalawa.

Imahe mula Raffy Tulfo in Action | YouTube


Ayon kay ginoong Raffy Tulfo, maaaring niya itong tulungan maipa-deport ang kanyang mister dahil sa ginawa nitong pagtataksil.

Imahe mula huffingtenpost.com

Isang abogado naman sa programa ang nagsabing, dahil sa mga nakalap na mga ebidensya ay, maaari din iclaim ni misis na ginamit lang siya ng kanyang asawa upang makaginhawa sa buhay para macancel ang Visa application nito.

Paulit ulit tinawagan ng programa ang mister upang makuha ang pahayag nito ngunit bigo sila. Pero tila buo na ang desisyon ni Christalyn upang mapa-deport ang dalawa dahl sa ginawa nito di lang kanya pati na rin sa kanilang mga anak.

Narito ang kabuuang YouTube video ng episode ng programa:

MR. NA PINAARAL NI MRS. SA ABROAD, TIKLO SA CCTV SA PAMBUBULAKBOL SA KAB*T!

Sa ikalawang parte ng programa tampok ang kwento ito, pinakita nila ang pagalalay kay Christalyn upang magawan ng karampatang aksyon ang nangyari  sa kanya. Samantala, ay wala pa ring nakuhang pahayag mula kay John Carl sa muling pagsubok na matawagan ito.

Source: huffingtenpost.com