WATCH: Pamilyadong lalaki, ipina-Tulfo matapos itanggi ang babaeng nabuntis - The Daily Sentry


WATCH: Pamilyadong lalaki, ipina-Tulfo matapos itanggi ang babaeng nabuntis



Ang ika-anim na utos ng Diyos ay 'Huwag makikiapid sa hindi mo asawa’. Ngunit marami pa rin ang gumagawa nito kahit na alam na nilang ito ay mali.
Photo credit: Raffy Tulfo In Action

Hindi lamang ito ipinagbabawal sa Biblia dahil maging sa ating batas ay ipinagbabawal din ang pakikipagrelasyon sa taong may asawa na.

Ito ang kwentong nag-viral sa programang “Raffy Tulfo In Action” kamakailan.

Dumulog sa programa ni Tulfo si Jennifer Lihat upang ireklamo ang lalaking nakabuntis sa kanya dahil itinatanggi nito ang kanyang anak.
Photo credit: Raffy Tulfo In Action
Photo credit: Raffy Tulfo In Action

Kinilala ang lalaking si Salvador "Kiko" Pascual.

Mariin ang pagtanggi ni Pascual na siya ang ama ng anak ni Jennifer kaya naman nagpatulong ang netizen kay Tulfo na ipa-DNA test ang magkabilang panig.

Ayon kay Jennifer, kung mapapatunayang si Pascual ang ama ng kanyang anak ay nais niyang papalitan ang apelyido nito at isunod sa kanyang ama.
Photo credit: Raffy Tulfo In Action

Photo credit: Raffy Tulfo In Action

Nang ianunsyo na ni Idol Raffy ang resulta ng DNA Test ay lumabas na si Pascual nga ang ama ng anak ni Jennifer.

Hindi napigilan ni Jennifer ang mapaiyak matapos lumabas ang katotohanan. 

Panoorin ang buong video sa ibaba:


***