Small but incredible: Isang guro na mukhang Grade 1, ikinagulat ng mga netizens - The Daily Sentry


Small but incredible: Isang guro na mukhang Grade 1, ikinagulat ng mga netizens



Dahil sa kanyang height at ‘baby face’ looks ay hindi mo aakalain na isa palang teacher ang 23 years old na si Ian Manga mula sa Bulacan.
Ian Manga / Photo credit: PH Newz

Kwento ng Review Center owner na si Dr. Carl Balita, nagulat at nagtaka raw siya nang makita ang isang batang nagbabasa at inaaral ang kanilang Licensure Exam for Teachers (LET) review materials.

Ang buong akala niya ay anak ito ng isa sa mga nagrereview.

 "Akala ko sinama lang ng nanay niya," sabi ni Dr. Carl.
Ian Manga / Photo credit: The Summit Express
Ian Manga / Photo credit: The Summit Express

Ngayon ay isa ng ganap na teacher ang 23-year-old na dumanas ng maraming pagsubok sa kanyang buhay matapos makapasa noong March 2019 sa LET.

Madalas akala nila Grade 1 ako or kinder," saad ni sir Ian.

Ayon kay sir Ian, naging inspirasyon niya ang kanyang ina na isa ring teacher. Gusto rin daw niyang ibahagi sa kanyang mga estudyante ang pagmamahal niya sa arts.
Ian Manga / Photo credit: PH Newz
Ian Manga / Photo credit: PH Newz

Hindi naikwento ni sir Ian kung bakit hindi na siya tumangkad o kung bakit tila hindi siya tumatanda. Ang nasabi lamang niya ay sakitin siya noong bata pa siya.

Kwento niya, madalas siyang pagtawanan at maliitin ng ibang tao dahil sa kanyang itsura. Pero ngayon ay hindi na niya ito binibigyan ng pansin at hinahayaan na lamang.

Nagbigay naman ang guro ng mensahe para sa mga netizens na katulad niyang kinukutya o nakakatanggap ng hindi magandang pagtrato mula sa ibang tao.

"Ignore them but patunayan mo rin na kaya mong wala sila, na mali sila."
Ian Manga and Dr. Carl Balita 

Mapapanood sa ibaba ang interview kay sir Ian na ngayon ay umabot na sa 178k views.

Marami ang pumuri at humanga kay sir Ian dahil hindi naging hadlang ang mga panlalait at panghuhusga ng ibang tao upang makamit ang kanyang pangarap.

Panoorin ang video sa ibaba:



***