"Until my next Life", customer na may taning na ang buhay, nag-iwan ng liham sa kanyang huling kain sa Jollibee - The Daily Sentry


"Until my next Life", customer na may taning na ang buhay, nag-iwan ng liham sa kanyang huling kain sa Jollibee





Sa buhay may mga tao, bagay, lugar at pangyayari na kahit gaano paman kabigat ang mga problemang susubok sa iyong katatagan, nanaisin mong lahat ng mga ito’y muling balikan upang ipaalam sa kanila kung gaano mo sila kamahal at mapasalamatan sa tuwa at saya na kanilang naibigay sa iyong buhay. 


Hindi man sigurado sa oras at sa mga posibleng mangyayari kung ang lahat ng mga ito’y magagawa pa ulit pagdating ng panahon o ito na ang huli. 


Kumurot ngayon sa puso ng mga netizen ang isang nag-viral na “Thank you note” na isinulat at iniwan ng isang unknown customer ng Jollibee.



Hindi mapigilan ni Mechelle Centurias, ang store branch Manager sa CountryMall Cebu ang maiyak sa nakakadurog na sulat na iniwan ng kanilang kustomer na nakasulat lamang sa likod ng isang resibo.


“I couldn’t hold my tears when I read this. One of our guests at Jollibee left this note at the back of his receipt,” aniya.


Ayon sa kuhang larawan ng iniwang sulat, laman nito ang taos pusong pasasalamat mula sa isang hindi nagpakilalang loyal customer na ngayon ay humaharap at lumalaban sa malubhang karamdaman. 


“My Jollibee ❤️❤️❤️  Thank you sa 32 years. Ngayon ang huling kain ko sa iyo. Magsisimula na ang aking chemotherapy, meron akong stage 4 c@ncer,” ito ang nakakasikip pusong sulat na iniwan ng isang customer.


Binigyan nalang umano siya ng kanyang Doktor ng tatlong buwan para sa kanyang buhay dito sa mundo. Kaya labis nalang ang kanyang pasasalamat at pinakitang pagmamahal marahil naging parte na sa buhay niya ang tuwa’t saya na naidulot ng Jollibee sa kanya. 


“Once again thank you my Jollibee ❤️❤️❤️ Until my next life. AYLABYU my Jollibee. ❤️❤️❤️


Tagos sa buto at magkahalong emosyon ang tiyak na mararamdaman ng kahit sino mang makakabasa sa laman ng liham mula sa taong puno parin ng pagmamahal at pagpapasalamat sa kabila ng napakabigat at malaking laban na kinakaharap. 







“To this “brave someone” who just prepared himself for a big fight, we pray for your recovery. The 3 months your doctor gave you can be 3 years or 3 decades or longer. God gives miracles. We just have to believe and strengthen our faith.”


Ito ang kabuoang post ni Centurias:


I was told that feedback is a gift. But this one is a totally different gift. It hits me to the core.

I couldn’t hold my tears when I read this. 

One of our guests at Jollibee left this note at the back of his receipt. After silently eating at one corner of the store, he cleaned up his table, brought the tray at the claim area and left. Our dining crew saw the note written on his receipt and gave it to me. 

I thought it was a feedback from a dissatisfied customer but it wasn’t. It was a different “thank you” message from someone who had his last Jollibee meal before his Chemotherapy for stage 4 c@ncer. He was sharing that his doctor gave him 3 months to live.

With a heavy heart, I immediately took the chance to look for the customer at the dining area but I was told he just left. I lost the chance of speaking to him and to give him thanks and encouragement.

To this “brave someone” who just prepared himself for a big fight, we pray for your recovery. The 3 months your doctor gave you can be 3 years or 3 decades or longer. God gives miracles. We just have to believe and strengthen our faith.

I hope we’ve served you better and made you happy when you’re at Jollibee. Welabyu ❤️

#Jollibee #kwentongjollibee 


***


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!