Dating PBB Housemate napilitang mag drop-out; Pinahiya at pinagtatawanan lang ng guro at mga kaklase - The Daily Sentry


Dating PBB Housemate napilitang mag drop-out; Pinahiya at pinagtatawanan lang ng guro at mga kaklase




Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na marami sa mga artista ngayon ang napilitan o di kaya'y mas piniling iwanan at inisantabi muna ang kanilang pag-aaral upang unahin ang pag-aartista at kumita. 


Kalimitan ng mga rason ay dahil sa kakulangan ng oras at panahon na hindi na kayang pagsabayin ang pagharap sa kamera at pag-aaral. 


Sa kagustuhang makapagtapos, humanap ng paraan ang dating PBB Housemate at artistang si Angelie Reposposa upang pagsabayin ang kanyang career at pag-aaral upang patuloy niyang matulungan ang kanyang mga magulang kasabay ng kanyang pangarap makapagtapos.



Ngunit hindi naging madali para kay Lie ang lahat dahil matapos lang umano itong hindi makapag pasa ng kanyang mga requirements at portfolio ay hindi na raw ito tinulungan ng kaniyang guro makahabol bagkus ay ipinahiya at pinagtatawanan pa ang artista ng kaniyang guro na si Cristina Teja at mga kaklase nito sa kanilang group chat.



"Feeling teacher na backstabber. Diko alam anong mararamdaman ko maiiyak ba ako o maiinis."


"Gusto ko lang naman pag sabayin yong pag aaral at pagtatrabaho. Kaya nag ALS ako para matulungan ko magulang ko at para din sa future kahit papano, makapag tapos nako," 


Hindi mapigilan ni Lie maglabas ng kanyang saloobin dahil matapos niya umanong personal na pinuntahan ang kanyang guro upang kausapin upang makahabol ay pinapahirapan pa siya, kaya napilitan siyang mag drop-out nalang sa klase.


"Di talaga mawawala mga gantong tao na gagawa ng paraan para pag mukhain kang walang alam. Sige po kayo nalang matalino kasi nakapagpasa kayo ng module at portfolio ng buo e. Ako kasi di ko kaya magbayad ng malaki para bigyan ng pasang awa na grades,"


"Salamat sa Acting Teacher jan. Godbless ang Panginoon na bahala sayo."


Narito ang mga kuhang larawan ng kanilang naging usapan:















***

Source:  Republika News

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!