Lolo at lola na nagtitinda ng asin habang tirik na tirik ang araw, pinakyaw ng rider at nagbigay pa ng tulong - The Daily Sentry


Lolo at lola na nagtitinda ng asin habang tirik na tirik ang araw, pinakyaw ng rider at nagbigay pa ng tulong



Ang ating mga lolo at lola ay hindi na dapat nagtatrabaho bagkus ay nagpapahinga na lamang sa ating mga tahanan dahil mahina na ang kanilang katawan.
Screencap mula sa video ni Jawo Motovlog

Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay walang silang magawa kundi magbanat ng buto sa kabila ng kanilang mahihinang katawan upang may kitaing pera pambili ng pagkain at panggastos sa araw-araw.

Samantala, maraming netizens ang natuwa at pumuri sa isang rider matapos nitong tulungan ang dalawang matandang nagtitinda ng asin habang nakasakay sa kanilang bisikleta.
Screencap mula sa video ni Jawo Motovlog
Screencap mula sa video ni Jawo Motovlog

Dahil sa ginawang pagtulong ng rider at vlogger na si Robert Jaworski Salongga o mas kilala bilang Jawo Motovlog, maagang makakauwi sina lolo at lola kasama ang kanilang apo.

Tanghaling tapat noong madaanan ni Jawo ang 65-anyos na lolo, 75-anyos na lola at kanilang apo sa kahabaan ng Alabang Zapote Road, Las PiƱas. 
Screencap mula sa video ni Jawo Motovlog
Screencap mula sa video ni Jawo Motovlog

Kahit tirik ang araw ay walang tigil sa pagpadyak ng bisikleta si lolo mailako lang ang mga panindang asin sa halagang P25 kada balot.

Habang nakikipag-usap ang rider ay nakiusap si lola na bilhin na ang kanilang paninda.

Hindi naman sila nabigo dahil pinakyaw ni Jawo ang kanilang paninda at nagbigay pa ng karagdagang tulong.

At para may maibenta pa sila kinabukasan ay hindi na kinuha ni Jawo ang mga asin. Aniya, pandagdag puhunan nalang nila ito.
Screencap mula sa video ni Jawo Motovlog
Screencap mula sa video ni Jawo Motovlog

Pinuri ng mga netizens ang ginawang kabutihan ng rider at pagmamalasakit sa kapwa. Anila, sana raw ay marami pa siyang matulungang hirap sa buhay.

Sa ngayon ay umabot na sa 74k reactions, 2.1k comments at 1.3M views ang video ni Jawo. Panoorin ito sa ibaba.



***