Mala game show na pa-birthday ng anak, nagregalo ng isang milyong piso sa kanyang ina - The Daily Sentry


Mala game show na pa-birthday ng anak, nagregalo ng isang milyong piso sa kanyang ina



 

Screencap photos from KMJS


Mapapa-Sana all ka sa isang bonggang birthday celebration ng isang ina matapos itong bigyan ng kanyang anak ng isang napaka laking sorpresa.

 

Nag-viral ang video na ito kung saan ay kakaibang pakulo ang naisip ng mga anak na ito bilang iregalo na tumataginting na isang milyong piso in cold cash para sa kanilang ina. *


 

Naisipan ng netizen na si Lou na bigyan ng malaking sorpresa ang ina sa kanyang 67th birthday nito. Bilang pasasalamat sa mga sakripisyo sa kanila ng kanyang ina noong sila ay mga nag-aaral pa lamang.

 

Mala TV game show ang dating ng birthday party ng ina ni Lou, pinapapili pa ito kung cash ba na 100,000 o sorpresang package ba ang pipiliin ang pinakamamahal nya sa buhay.

 

Napapasigaw ang kanilang bisita at package na lang ika ang piliin ng mama ni Lou. Lahat ay masaya para sa ina, at animo’y sila ang tatanggap ng regalong naghihintay.

 

Bukod sa isang milyong cash ay mayroon pa itong mga alahas at house and lot na kasama. Di makapaniwala ang kanyang ina sa regalong natanggap, pakiramdam ng kanyang ina ay nanalo ito sa isang game show. *


 

Screencap photos from KMJS


“Para akong binigyan ni Willie Revillame ng pera, house and lot at nanalo ako ng one million! Para akong nanalo sa lotto!” sabi ng ina ni Lou.

 

Kaya naman pagka-pasok ng kanyang ina habang nakatakip ang mga mata nito. Hindi makapaniwala ang matanda sa nakalatag na pera sa kanyang kama hanggang sa sofa ay nilatagan na rin ng pera.

 

Sabay kanta ng happy birthday at sinabi ni Lou na ‘milyonarya na si Mama!’

 

Kwento ni Lou, lumaki sila na hikahos sa buhay. Tandang-tanda pa nya, tanging suka at dinikdik na luya lang ang kanilang ulam. Maging hanggang sa eskwelahan ay ginamos at kanina na binalot sa dahon ng saging naman ang kanilang baon.


 

Kaya naman nangarap si Lou na aabutin ang mga pangarap para sa kaniayang ina. Sa katunayan ay sinulat pa nya ito sa notebook at kabilang dito ang maging milyonarya ang kanyang ina. *

 

Screencap photos from KMJS



At bilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo ng kanyang ina, naisipan niyang regaluhan ito ng isang milyon. Nais nyang tuparin ang pangarap para sa ina na maging isang instant milyonaryo.

 

Pahayag ni Lou, hindi masasapatan ng pera ang sakripisyo ng kanilang ina para sa kanila. Pinasok umano ng kanilang ina ang iba’t ibang trabaho, ginawang umaga ang gabi para lang maitaguyod silang siyam na magkakapatid.

 

“Sobrang hirap po ng buhay namin noon kaya sabi ko talaga sa sarili ko, pagsisikapan ko na makapagbigay ng isang milyon kay Mama,” ani ng dalaga.

 

Kaya naman ng makapagtapos ng pag-aaral ay walang sinayang na oras si Lou. Hanggang sa pinasok nya ang pagbebenta ng skin care nitong pumasok ang pandemya.


 

“I want to inspire everybody, na ang pera ay makikita lang po, pero ang kaligayahan ng isang ina ay hindi mo yan masusuklian kahit ano pong bagay.” Sabi ni Lou sa panayam sa kanya.

 

Todo pasasalamat naman ang kanyang ina sa pagkakaroon ng napakabait na anak tulad ni Lou. Kaya naman lalong pinagpapala ang mga anak na gaya ni Lou na marunong tumanaw ng utang na loob at marunong magshare ng blessings.

 

“Nagpapasalamat ako na meron akong anak na si Lou, na nakatulong sa akin.” Sabi ng ina ni Lou. *