Matapos hindi matanggap sa trabaho dahil sa kaniyang hitsura. 26-anyos na lalake, 9 na beses nagparetoke! - The Daily Sentry


Matapos hindi matanggap sa trabaho dahil sa kaniyang hitsura. 26-anyos na lalake, 9 na beses nagparetoke!



Nakakalungkot man isipin pero dito sa Pilipinas, hindi mapagkakaila na may mga iilang kumpanya na bumabase sa hitsura bago tanggapin ang tao na magtatrabaho sa kanila.

Kadalasan, kasali rin ang tangkad, pangangatawan at kulay o kompleksyon ng isang aplikante para makwalipika sa isang posisyon o trabaho na dapat nitong gampanan.




Isang halimbawa nito ang karanasan ni Do Quyen ng bansang Vietnam. Sumikat at nag-viral sa social media ang binatang ito dahil sa desisyon niya na sumailalim sa siyam na beses na pagpapa retoke o pagpapa ayos ng bahagi ng kanyang katawan, matapos na ilang ulit na hindi matangap sa kaniyang mga pinapasukang trabaho.

Ang 26-anyos na si Quyen ay madalas pagtawanan at minsa'y nasabihan pa na dahil sa kaniyang hindi kaaya-ayang hitsura ay hindi siya matatanggap sa trabaho.

Do Quyen | Lightfeed.net


Do Quyen | Lightfeed.net


Mangilan-ngilan beses din itong sumubok at nabigo kasabay ng pangungutya at gawing katatawanan ang kaniyang mukha.

Naging mapait ang karanasang ito para kay Do dahlilan para sa ay magpasiyang magparetoke o magpa ayos ng mukha.

Aminado ang binata na tutol sa kaniyang desisyon ang kaniyang mga magulang pero nakapagpasya na ito at buo na ang loob na baguhin ang kaniyang pisikal na katangian upang makapagsimulang muli.


Do Quyen | Lightfeed.net


Do Quyen | Lightfeed.net


Hindi lang isa o dalawa, kundi siyam na beses itong nagpa plastic surgery upang makamit ang ninanais na magandang hitsura

Kabilang sa mga prosesong pinagdaanan ni Quyen ay ang mga sumusunod: rhinosplasty, chin implant, porcelain veneers, lip reshaping, double eyelid surgery, lip implants at iba pa.

Magkano ang kabuuang halaga ng mga prosesong ito? Iyan din ang tanong ng marami, matapos kumalat ang video nito para na rin maidokumento ang mga proseso ng pagbabago ng hitsura ng 26 taong gulang na binata.

Do Quyen | Lightfeed.net

Do Quyen | Lightfeed.net


Umabot lang naman sa $17,256 dolyares o katumbas ng tumataginting na P847,977 pesos ang kanyang nagastos para sa mga nabanggit na 'surgeries'.

Hindi man natuwa ang iilan at may bumabatikos man na iba sa kanyang ginawa. Hindi nagsisisi si Do sa naging desisyon at lubos na natutuwa sa kinalabasan ng kaniyang ginawa.

“My standard of beauty is when you look at yourself in the mirror and you feel good about yourself,” sabi ni Do Quyen.

Do Quyen | Lightfeed.net

Do Quyen | Lightfeed.net


Hanggat masaya ka sa ginagawa mo, hindi para sa ibang tao kundi para sa iyong sariling kapakanan ay lubos na tataas ang iyong moral dahilan para ika'y makabangon sa pagkakalugmok at makapagsimulang muli.

Do Quyen | Lightfeed.net

Do Quyen | Lightfeed.net