Showtime contestant binira ang programa: "Sa halagang 5K, nilalaglag niyo ang pagkatao ko" - The Daily Sentry


Showtime contestant binira ang programa: "Sa halagang 5K, nilalaglag niyo ang pagkatao ko"




Nagviral kamakailan ang isang Showtime contestant sa segment show nito na "Reinanay Ng Tahanan" dahil sa umano'y "mahaderang" sagot nito sa mga tanong ng kanyang at ng maging sa mga hurado at host ng noontime show. 


Naging mainit sa mata ng mga netizens at napuno ng kaliwat kanang pambabatikos si Marilyn Lagsa dahil sa naging paratang na katanungan ng kanyang sariling Ina. 


Tahasang binuweltahan si Marilyn ng Ina kung bakit pinabayaan lang niya ang mga anak niya at iniasa umano ang pangangalaga nito sa puder ng kanyang Ina na walang suntento sa loob ng isang dekada. 



Nang dahil sa katanungang ito, agad siyang nakatanggap ng panunuligsa mula kay Vice Ganda na kilala bilang mapagmahal sa mga Nanay at mga Lola, kung bakit niya ito nagawa sa mga anak at sa kanyang Ina. 




Hindi rin nakaligtas si Marilyn kay Ruffa Gutierrez isa sa mga hurado, na live siyang tinalakan ng dahil galit ito sa naging paraan at tono ng sagot niya sa sitwasyong ipinukol na umanoy pagiging irresponsableng Nanay sa mga anak niya. 


Naiiyak nalang si Marilyn sa kanyang inilabas na video, ito'y upang biglang linaw ang puro kamaliang pangbibintang na binabato lahat sa kanya ng mga tao na agad iniisip na masama siyang Ina. 


Hindi na niya umano kaya ang mga natatanggap na banta at pamumuna ng mga tao at pati mga anak niya ay nadadamay na sa isyu na lahat ay wala namang katotohanan. 


"Sa totoo lang nahihirapan na ako. Ito po ang panganay kong anak, para makita at malaman ninyo nasa akin po ang mga anak ko at wala sa Nanay ko. Yung mga sinasabi at mga paratang sa akin sa segment na yun, hindi po yun totoo. Sobrang nakakastress na," 




Maging siya man daw ay nagulat sa naging tanong ng  Nanay niya noong sumalang na ito para sa kanilang live interview,  kaya hindi niya umano alam kung ano ang isasagot niya dahil naiipit siya sa sitwasyong hindi niya alam kung saan galing.


"Iniisip ko po yung side ng Nanay ko dahil lalabas ang Nanay ko ng live na sinungaling po sa segment (Reinanay ng Tahanan) na yon. Ang saklap sobrang saklap,"  


Agad naman daw tinanong ni Marilyn sa Ina kung bakit sa dinami-daming pwedeng itanong tungkol sa mga totoong nagyari sa buhay niya, ay yoon pa ang lumabas sa bibig niya. 


"Kasi anak wala akong maisip eh." sagot lang Nanay niya na hindi makapagpaliwanag kung bakit.


"Sana po nagpakatotoo  kayo. Hindi niyo po alam kung anong nangyari sa akin. Kasiraan niyo, kasiraan ko din.


"Sa totoo lang po, lutang siya, walang siyang alam sa mangyayari sa akin. Di niya alam na magiging ganito ang sitwasyon."


Dagdag pa ng Reinanay contestant, na sana man lang naabisuhan ang Nanay niya ng mga nag-iinterview mula sa programa ng Showtime kasi maging siya walang ka-ide-ideya sa magiging tanong ng Nanay niya. 

"Sa halagang limanlibong consoliation price, hindi ko pa nga narereceive eh. Sa halang ganon lang nilalaglag yung pagkatao ko. Napakahirap po. Imbes na maging moment ko yung pagsali ko doon, hindi, naging bangungot pa,"


Bumwelta rin si Marilyn sa mga taong sumasawsaw sa isyu at walang humpay sa pang-aalipusta sa kanya sa social media na lubos na nakakaapekto sa mga anak niya. 


"Sa mga nambabash sa akin, wag niyo po akong murahin kasi di po ako ganong klaseng tao tulad ng mga iniisip niyo," 


***

Source:  That's ReliefAgad 1, 2

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!