Isang nakamamanghang kwento ang ibinahagi ng Facebook page na Definitely Filipino ukol sa isang batang lalake na nakasabay ang isang babaeng suki sa tindahan ng mga pagkain at iba pang kagamitan para sa mga hayop.
Kinilala ang batang lalake na si Alden, kinuhanan ito ng litrato habang bumibili ng pagakin para sa pusa sa nasabing tindahan.
Ang babae umano na nag 'post' ng mga larawan ni Alden ay may nais ring bilhin sa tindahan noong araw na iyon at kasalukuyang naghihintay ng kaniyang pagkakataon habang namimili ng bibilhin ang batang si Alden.
Matapos makapamili ay tinanong ng tindero ang bata kung ilang kilo ang bibilhin nito, nahihiyang namang tumugon si Alden dito ng.. "Sampung piso lang po"
Definitely Filipino | Facebook
Definitely Filipino | Facebook
Hindi naman napigilang ng babaeng naghihintay na suki di umano ng tindahan at sinabi sa tindero na dagdagan pa ang binili ni Alden ng halagang P50 piso ang pagkaing binili nito.
"Maraming Salamat po!" Laking pasasalamat ng bata sa ipinakitang kabutihang loob sa kaniya ng 'di kilalang babae.
Kasabay nito ay napag alaman na ang pagkaing binili ay para sa buntis na alagang pusa ni Alden.
Dahil sa nakakaantig na kwento ng maalagang bata ay nagpaka- "Wille Revillame" si ate at isinigaw sa tindero na "Bigyan pa ng isang supot iyan!"
Bukod dito ay inabutan pa ng munting halaga si Alden para pang gastos nito sa kaniyang sarili.
Ngunit tinanggihan ito ni Alden kahit na sinabi pa sa kaniya na 'deserve' niya ito dahil isa siyang natatanging bata.
Kadalasan daw kasi sa mga bata na nasa kaparehong edad nito ay mapang api sa mga pusa o iba pang hayop at hindi maiisipang gumastos o gamitin ang kanilang munting ipon para sa kanilang mga alaga.
Kaya pinayuhan nito si Alden na ituloy lang ang pagmamahal sa kaniyang alaga.
Sa huli ay tinanggap na ng bata ang alok na pera at muling nagpasalamat.
Pauwi na sana ang babae pero lalo pa itong humanga sa batang si Alden ng makita niya itong ginamit ang ibinigay niyang pera, para ipambili pa ulit ng isa pang supot ng pagkain ng pusa.
Talaga namang nakakatuwa na makasaksi, ng mga bata na may likas na pagmamahal sa kanilang mga alaga. Sana'y ay magsilbing inspirasyon ang kwentong ito at pamarisan pa ng maraming kabataan.
Sa katunayan, mabilis na kumalat ang Facebook post na ito tungkol kay Alden at kasalukuyan siyang hinahanap at pilit na tinutunton ng grupong Powercat Philippines pati na rin ang babaeng tumulong dito dahil sa ipinamalas nilang kabaitan at pagmamalasakit.
Source: Definitely Filipino | Facebook