Groom, naharang ng checkpoint sa mismong araw ng kasal. Bride, pinuntahan ito at doon na nag "I do" - The Daily Sentry


Groom, naharang ng checkpoint sa mismong araw ng kasal. Bride, pinuntahan ito at doon na nag "I do"



Nito lang nakaraang buwan sa Urdaneta City Pangasinan, isang natatanging eksena ang nasaksihan ng mga frontliner na kapulisan at ilang mga miron, kung saan ay may kasalang naganap sa mismong border checkpoint ng lugar.


Ito na raw marahil ang kauna unahang pag iisang dibdib na naganap sa kasaysayan ng checkpoint sa Urdaneta, Pangasinan.




Kinilala ang mag irog na si Erwin Zabala at Ruby Papio. Mabilis na nag viral ang mala-modernong fairy tale na kwento ng dalawa sa social media dahil sa kakaibang lokasyon kung saan pinagbuklod ang kanilang dalawang pusong nag iibigan.

Ang groom na si Erwin ay isang OFW at umuwi ng Pilipinas upang magpakasal sa kanyang fiancee na si Ruby. Ngunit bago ito ay nag-home quarantine muna si Erwin sa Manila ng 10-araw sa isang hotel bago dumiretso sa Pangasinan para sa kanilang Civil Wedding.

Imahe mula Aries Aquino

Imahe mula Aries Aquino


Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naharang ang kasintahan ni Ruby habang ito'y papunta sa lugar kung saan sila'y ikakasal.

Kinulang di umano ang mga dokumento ni Erwin partikular na ang S-PASS na isa sa mga pangangailangan ng isang taong nagnanais na tumawid sa lugar o bisinidad ng Pangasinan.

Dahil sa tanging quarantine certificate lang at proof ng kanyang vaccination ang naipakita nito sa mga nakatalaga sa TPLEX Exit border checkpoint ng lalawigan,

Imahe mula Aries Aquino

Imahe mula Aries Aquino


Ay tuluyan ng naharang si groom at nakalulungkot isiping hindi na ito makatutuloy pa sa kaniyang mismong kasal.

Ayon sa taga organisa ng kanilang kasal, maari pa rin namang ituloy ang kasal.

Kailangan lang nilang ipaalam ang sitwasyon kay Ruby at kung papayag ito ay siya mismo ang sasadya sa kinaroroonan ni Erwin at doon sa checkpoint mismo idaos ang kanilang kasal at manghihiram na lang ng lamesa at upuan.

Imahe mula Aries Aquino

Imahe mula Aries Aquino


Kahit na alam ng lahat na napaka importanteng mairaos ng maayos at sobrang espesyal ang araw na ito sa isang bride na gaya ni Ruby.

Hindi ito nag atubili na puntahan ang kaniyang minamahal na si Erwin upang matuloy ang pag iisang dibdib at makapagpalitan sila ng kanyang magiging mister ng napakatamis na salitang "I do".

Saksi ang ilang kawani OWWA, Philippine Coast Guard, mga pulis pati na tin ang ilang mga na-stranded din sa checkpoint at sa basbas ng isa umanong attorney ay pormal na naisagawa ang kasalan nina Erwin at Ruby.

Bagamat natatangi at hindi inaasahan ang nangyaring kaganapan, nabalot pa rin ng kilig ang buong lugar at umapaw ang kaligayahan.

Imahe mula Aries Aquino

Imahe mula Aries Aquino



Sa ngayon, ang dalawa ay nasa Baguio City upang magbakasyon at para na rin sariwain ang kanilang honeymoon.