Matandang lalaki, niloko at kinuha ang kanyang ATM pension; Sa ilalim ng puno natutulog - The Daily Sentry


Matandang lalaki, niloko at kinuha ang kanyang ATM pension; Sa ilalim ng puno natutulog



Natagpuan ng vlogger na si Bench TV ang isang matandang lalaki na dumurog sa puso nga mga netizens dahil sa kalagayan nito.
Screencap from Bench TV Facebook page

Sa Facebook page ni Bench, in-upload nito ang kanyang interview kay tatay Abie Colliantes, 73-anyos, mula sa San Pedro Laguna. Mula sa Labo, Camarines Norte umano si tatay Abie at ngayon ay mag-isang namumuhay at natutulog lamang sa ilalim ng punong acacia.

Nang tanungin kung nasaan ang pamilya ni tatay Abie ay sinabi nitong ‘wala’. Umaasa lang daw siya sa ibinibigay na pagkain at sa pamamalimos. Wala rin daw asawa at anak ang matanda. 
Screencap from Bench TV Facebook page
Screencap from Bench TV Facebook page

Si tatay Abie ay mayroon daw natatanggap na pension ngunit isinanla ito sa halagang P30,000 at ibinili ng mga gamit.

Hindi nabanggit sa video kung anong mga gamit sa kung kanino napunta ang mga ito. Anim na buwan pa raw bago makuha ulit ni tatay ang kanyang ATM.
Jesusa Bunyag / Screencap from Bench TV Facebook page

Ayon kay ate Jesusa Bunyag, ang netizen na nag-aalaga at tumitingin-tingin kay tatay, mayroon daw itong kapatid sa Pasay at nang puntahan nila ay tanging ang pamangkin lang nito ang kanilang nakausap.

Panoorin ang video sa ibaba:

Nag-iwan na lamang sila ng address upang kung sakali ay pwede nilang madalaw at mapuntahan si tatay Abie.

Dagdag pa ni ate Jesusa, nasa Canada rin daw ang isang kapatid ni tatay na si Jose Colliantes.

Si tatay Abie ay hirap maglakad at magsalita dahil na-stroke daw ito.

Sa dulo ng video ni Bench, nag-iwan ito ng pera kay ate Jesusa upang mabilhan ng pagkain ang matanda.
Screencap from Bench TV Facebook page

Samantala, matapos ang ilang araw ay pumunta ng Munisipyo si Bench at ang kanyang grupo upang humingi ng tulong. 
Binalikan nila si tatay Abie upang madala ito sa DSWD.

Noong una ay ayaw pumayag ng matanda na sumama ngunit nakumbinsi rin nila ito matapos ang mahabang usapan. 

Panoorin ang video sa ibaba:




***