'Maternity Shoot' ng isang biyuda kasama ang yumaong asawa, umantig sa puso ng mga netizens. - The Daily Sentry


'Maternity Shoot' ng isang biyuda kasama ang yumaong asawa, umantig sa puso ng mga netizens.



Sa post na ibinahagi ng Facebook page na Kami.com.ph. Isinalaysay ng isang matatag na single mom na si Claire Tripole ang storya sa mga makapigil hiningang larawan sa kaniyang 'Maternity Shoot'.

Tumagal ng mag aanim na taon ang relasyon ni Claire at ng kaniyang nasirang asawa na si Kenneth Silveron. Bago ito tuluyang namayapa.




Ayon kay Claire, nang dumating ang magandang balita na siya ay isang buwan nang buntis ay kasalukuyang mahina na sa ospital ang asawang si Kenneth.

“Before sya namatay nalaman namin sa mismong oras na mahina na siya sa hospital na buntis ako sa 2nd baby namin. 1 month na pala akong buntis.

Dala ng labis na kalungkutan na dapat ay hindi dinaranas ng mga nagdadalang tao.

Dryx John Carlo Estimada | Facebook

Dryx John Carlo Estimada | Facebook


Pamilya at ang kaniyang mga anak ang nagiging sandalan ni Claire upang malagpasan ang pagsubok na kaniyang kinahaharap.

Hindi aniya siya pinabayaan ng Diyos at ng kaniyang pamilya mula unang araw na siya ay maging isang biyudang ina.

"Ngayon kumukuha ako ng lakas sa mga anak ko at sa mga taong tumutulong sakin sa family ko na never akong pinabayaan since day 1 na naging single mom ako,"

Dryx John Carlo Estimada | Facebook

Dryx John Carlo Estimada | Facebook


"Specially sa Diyos na naging silent guardian ko talaga sa mga time na feeling ko wala down na ako. Isang dasal lang bukas ay may darating na tulong,”

Gaano man kabigat ang sitwasyon na ito lalo sa kalagayan ni Claire ay nanatili parin siyang matatag para na rin sa kaniyang mga mahal sa buhay na walang pagod na nagmamalasakit at nagmamahal sa kaniya.

Dryx John Carlo Estimada | Facebook

Dryx John Carlo Estimada | Facebook


Narito ang makabagbag damdaming mensahe ni Claire para sa kaniyang asawa:

“Happy 6 years anniversary my man. I love you. Please guide me always in raising our babies, help me pray to God all the prayers I have in my heart. I know you won't let us fight this battle of life alone, continue your journey. We miss you so much and we love you. Till we meet again."

Dryx John Carlo Estimada | Facebook


"At ang tanging panalangin na sa susunod nating buhay ay bigyan tayo ng pagkakataon na tapusin ang bawat talata at bawat pahina ng ating nabuong istorya na magkasama sa lungkot man at saya sa hirap at ginhawa."

"Setting you free is hard but, staying weak for our kids is harder. Von Voyage my Captain,”

Dryx John Carlo Estimada | Facebook